Chapter 29

665 69 33
                                    

"Nandito pala ang kapatid kong maganda."

Madaling nag-angat ng tingin si Selene nang marinig niya ang boses ng kaniyang Ate Pristine. Itinigil rin niya ang pagguhit sa kaniyang iPad upang ituon ang 'di nababahaging atensyon sa kapatid na bigla na lamang umupo sa tabi niya.

"Ate, bakit gising ka pa?" medyo nagtatakang tanong niya nang makita niya sa screen ng iPad na lampas hatinggabi na pala.

"Kasi hindi ako makatulog," Pristine casually replied as she comfortably leaned her back on the sofa. "Ikaw? What are you still doing up?"

"Sketching."

"A new piece?" Sinubukan pa talaga ni Pristine na silipin ang iPad, kaya lang nag-off na ang screen nang igiya niya ang mga mata niya roon. Hindi tuloy niya nakita.

Sinulyapan naman ni Selene ang ate niya bago siya tumango. "Idadagdag ko sana sa Ayla Collection," nakangiting saad pa niya.

Pristine's eyes twinkled the moment she heard those particular words, then her lips curved into a sweet smile.

As for Selene, she definitely got weirded out with how her older sister stared at her. "Bakit?" nagtatakang tanong tuloy niya.

"Kumusta ka?" Pristine softly asked as she took her sister's hand and held it.

"Happy, contented." Selene genuinely smiled as she intertwined her hand with her sister. "Kasama ko na ang panganay ko. At sa wakas, napangalanan na ang bunso ko. Akala ko dati hanggang pangarap na lang ang lahat ng 'to, pero ngayon totoo na."

"Masaya ako para sa 'yo, Selene."

"Thank you, Ate."

Pristine breathed out. "Parang ngayon na lang ulit tayo nag-usap ng ganito," she segued.

"Oo nga, eh. Pa'no ba naman sobrang busy mo lately. Iyong business na lang natin ang laging inaasikaso mo," pagsang-ayon ni Selene.

"Pero, hoy..." Binawi na ni Pristine ang kamay niya mula sa kapatid. She tucked her hair behind her ears after. "Kahit busy ako sa business natin, nakakasagap pa rin ako ng tsaa," sambit pa niya sabay tinaasan niya ng kilay si Selene.

"Tsaa?"

"Oo." She pursed her lips suspiciously. "Sinasabi sa 'kin ng anak mo kung anong nangyayari."

"Saan?"

"Sa inyo."

"Sa 'min?"

"Oo, sa inyo ni Dale."

Bigla na lamang bumilis ang pintig ng puso ni Selene sa sandaling 'yon. Lalo pa't naalala niya kung ano ang nangyari sa sementeryo kanina.

"Anong sa 'min ni... Dale? Anong sinabi ni Zia?" she asked, almost stuttering.

"Well, sinabi sa 'kin ni Zia na kasama n'yo pala siya sa bawat appointment sa opthalmologist tapos minsan nagla-lunch or nagmimiryenda pa kayo after. Family bonding ang peg," saad ni Pristine habang patawa-tawa pa.

"Iyon lang?"

"Eh pero pumayag ka talaga sa ganoong set up?" tanong pa ni Pristine.

Bumuntonghininga si Selene. "Nagpumilit, eh. Ayoko namang makipagtalo at makipagkompromiso pa sa kaniya. Tutal siya naman ang tatay ni Zia at siya naman ang nagbabayad sa lahat ng expenses kaya hinayaan ko na lang. Mukhang okay at nag-e-enjoy na rin naman si Zia na kasama siya, eh."

Hindi pa rin nagbabago ang tingin ng ate niya sa kaniya. Lalo pa nga siya nitong nginusuan.

"Bakit?" nagtataka at medyo kinakabahan pa siyang nagtanong.

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon