Chapter 10

1.1K 137 29
                                    

"Zia, hindi pa ba umuuwi ang Mama mo?" bungad ni Pristine sa pamangkin nang pumasok siya sa kwarto. Nadatnan pa nga niya itong abalang-abala sa pagda-drawing sa sketch pad niya habang nakaupo sa sahig.

Agad namang nag-angat ng tingin si Zia at umiling. "Hindi pa po, Tita," magalang pa nitong tugon at saka muling itinuon ang kaniyang atensyon sa kaniyang obra.

Pristine couldn't help but to roll her eyes in dismay. "Hay naku! Ayoko nang isipin kung sino ang kasama niya at kung ano ang ginagawa nila ngayon. Ewan ko ba diyan sa Mama mo kung bakit pa pumayag na makipag-meet sa demonyo mong tatay—" But then, Zia's questioning eyes made her stop talking instantly. Napabuntonghininga tuloy siya pagkatapos magtagpo ang tingin nila sa isa't isa. "Anyway, nandito ako because I want to tell you something," she said, changing the previous topic.

"Ano po?"

Umupo siya sa gilid ng malambot na kama malapit sa kinauupuan ng pamangkin at ngumiti. "Well, 'di ba you already finished the thing with your social workers?" nakangiting pagpaaalala niya. Tumango naman si Zia. "Tapos naayos na namin ang lahat ng papers mo. Nakapag-reach out na rin kami sa school mo at sinabihan nila kami na pwede ka na ulit pumasok at mag-attend ng classes," she informed her, smiling.

Zia's eyes instantly lit up with excitement as soon as she heard the good news. "Talaga po?" she asked.

Tumango ang Tita Pristine niya. "Yes. Next week makakapag-attend ka na ulit ng face to face classes. But remember, ha? Margaux Zanelle S. Gomez na ang gagamitin mong name sa lahat ng forms at output mo. But they will still call you Zia, just as you wish," paalala pa nito.

Kumbinsido naman siyang tumango.

"And one more thing, Zia," pahabol na sambit pa ng Tita Pristine niya. "I don't know kung nasabi na ng Mama mo sa 'yo 'to. She's been busy the past few days kasi. Pero she's planning to talk to the school management about your scholarship..."

Kumunot ang noo niya. "Scholarship ko po? Bakit po? May problema po ba?" sunod-sunod na tanong niya.

"Wala naman, Zia." Her Tita Pristine started stroking her hair. "Kaya lang, gusto sana ng Mama mo na ipaalis ka na sa list of scholars ng school foundation n'yo. Okay lang ba 'yon sa 'yo?"

"Bakit po, Tita?"

"Everyone knows na deserve mo ang scholarship mo ngayon kasi magaling at matalino ka. At super proud kaming lahat doon. Pero sa tingin namin, hindi mo na kailangan 'yong scholarship kasi kaya ka ng pag-aralin ng Mama mo."

Natahimik siya.

"Okay lang ba 'yon sa 'yo?" her Tita Pristine asked again. "At ang gusto naman ng Mama mo, ibigay 'yong scholarship grant mo sa iba para may ibang student na mabigyan pa ng opportunity na makakuha ng quality education katulad mo."

Biglang gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi niya dahil sa narinig. It was nice to hear that someone will surely have her scholarship. Naisip niya na okay rin pala iyon dahil magiging daan iyon para makatulong siya sa iba kaya hindi na rin siya nag-alinlangang pumayag.

"Great!" Pristine exclaimed in happiness when she finally said yes. "So sa Monday, papasok ka na sa school as Margaux Zanelle and as a regular student."

"Yes po!" Zia giggled excitedly. Napatayo pa nga siya sa sobrang saya dahil sa wakas pagkatapos ng lahat makakabalik na siya sa pag-aaral.

"Oh, oh... saan ka pupunta?" Maagap na tanong naman ni Pristine nang mapansin niyang maglalakad papunta sa kung saan ang pamangkin niya.

Zia turned to her aunt again with her mischievous smile. "Aayusin ko na po sana ang mga gamit at uniform ko para ready na po ako sa Monday," she stated, giggling like a child.

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon