"Apo, parang mas complicated pa 'yang iniisip mo ngayon kaysa do'n sa lesson sa Statistics na inirereklamo mo kani-kanina lang," pagwiwika ni Clarisse sa apo niyang si Zia habang inilalapag niya sa mesa ang isang pitsel na cucumber lemon juice at isang platong homemade turon. "Tapos na tayo sa homework mo, so what's bothering you this time?"
Nag-angat ng tingin si Zia sa lola niya habang iniisip kung talaga bang masyado siyang halata. Her grandmother instantly noticed that she has thoughts running around her pretty little mind. Nevertheless, she just smiled awkwardly at her.
"Zia, you can tell me anything," Clarisse reassured as she poured her a glass of juice.
"May naalala lang po ako."
"Ano?"
Zia let out a sigh. Inayos rin niya ang pagkakaupo sa silya niya. "Naalala ko lang po noong nasa orphanage pa 'ko. Kapag may napapadpad na aso o pusa doon, lagi nila kaming sinasabihan na huwag naming papangalanan para hindi kami ma-attach at malungkot kapag itu-turn over na sila sa mga shelter," banayad na saad niya.
"Really?" Umupo rin naman si Clarisse sa isa pang silya na nakatapat sa pwesto ni Zia.
Zia nodded.
"Well, I didn't know that."
Zia breathed in. "Pero bakit po gano'n, lola? Hindi rin naman pinangalanan ni Mama 'yong kapatid ko pero bakit hanggang ngayon sobrang nasasaktan pa rin siya?" she suddenly questioned. There was a hint of melancholia in every word she uttered.
Clarisse's breathing hitched as she felt a strange cool breeze pass through her system the moment Zia's questions rang in her ears. Naestatwa rin siya sa kinauupuan niya dahil lubos ang naramdaman niyang gulat. She didn't see it coming. Hindi niya inasahan na dito pala papunta ang apo niya. She was never prepared to talk about this particular thing.
"Paano mo nalaman ang tungkol doon?" she asked.
"Nakwento po sa 'kin ni Saph," magalang na tugon niya. "Dati ko pa nga pong gustong i-open up ang tungkol sa kaniya pero huwag muna raw po sabi ni Saph. Hindi pa raw po kayo ready lahat na balikan ang tungkol sa kaniya."
Clarisse slowly nodded her head a few times. "What happened with your baby sister was nothing but a tragedy," she remarked as she recalled those excruciating moments. Yes, she can still remember every scene of what happened back then. At kaakibat ng pag-alaala sa mga sandaling iyon, ang muling pagdama sa sakit na naidulot niyaon sa kaniyang puso kaya napabuntonghininga siya. "It could not have happened, but it did because someone was just so out of his mind," she even said.
Napakagat-labi si Zia sa narinig.
Kilala niya kung sino ang 'someone' na tinutukoy ng lola niya. At kung pwede lang na suntukin niya sa mukha ang taong 'yon, gagawin niya. Dahil hindi man ang taong 'yon ang pumatay sa kapatid niya, ito pa rin ang dahilan kung bakit sumuko ang baby. What he did was just really infuriating.
"It happened ten years ago, Zia. But you know?" Clarisse spoke up again and when she saw that Zia was still lending her ears to her, she decided to continue talking, "There's still a part of me na sinisisi ko rin ang sarili ko sa mga nangyari. What if I arrived there earlier? What if napangaralan at napilit ko ang tatay mo na tigilan at putulin na ang relasyon nila ni Arianne?"
"Lola, wala naman po kayong kasalanan, eh."
"Iyan rin ang laging sinasabi sa 'kin ng Mama mo. She would always tell me not to blame myself, but I feel guilty. I couldn't help it," pag-amin pa ni Clarisse. "At kung ganito katindi ang nararamdaman ko, what more pa ang Mama mo. She carried your baby sister for six months. Ang dami niyang pangarap para sa inyo ng kapatid mo pero nawala lang ang lahat ng 'yon. No mother is prepared for that, Zia."
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...