Chapter 48

255 13 24
                                    

Ilang minuto pa lang ang nakalilipas nang papuntahin ni Selene sa Zia sa opisina ni Dale pero hindi na agad siya mapakali. She kept on tapping the steering wheel. Restless, her eyes roam around the area.

Tama ba 'tong ginawa niya? Tama bang ipagkatiwala niya kay Dale ang pagdidisiplina sa anak nila sa puntong 'to? Tama ba na mag-usap pa ang mag-ama?

She sighed, a heavy one.

Well, she was taught that in order to come up with a solution, one needs to address the problem. Eh, malinaw naman na kaya nagkakagano'n si Zia ay dahil sa kagagawan ni Dale, kaya dapat lang na siya ang mag-ayos sa anak nila. Isa pa, silang mag-ama lang naman talagang nakakaalam ng totoong problema kaya sila talaga dapat ang mag-usap ng masinsinan.

Sumandal na lang siya sa inuupuan niya at humalukipkip. Her mind was running in circles, but she knew she needed to calm down. Kaya lang mukhang hindi niya yata magagawa dahil nang ibaling niya ang tingin niya sa labas, nasilayan niya ang mabagal na paglalakad ni Zia. Papunta ito sa direksyon niya, pero hindi iyon ang napansin niya. Ang agad na pumukaw sa atensyon niya ay kung paanong tila kinukusot-kusot ni Zia ang isang mata niya.

Mula sa malayo ay mataman niyang pinagmasdan ang anak niya at doon na niya napansin na tila umiiyak ito. Pulang-pula na ang ilong at pisngi ni Zia.

Dali-dali siyang bumaba sa kotse niya at tumakbo papunta kay Zia. Tuliro niya itong dinaluhan.

"Zia, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

Pero sa halip na sumagot, niyakap lang siya ng mahigpit ni Zia at nagpatuloy sa paghikbi.

Confused, she enveloped her daughter into her arms. "What happened?" she asked, caressing Zia's back.

Bumitaw si Zia sa kaniya. Tiningnan siya nito sa mata kahit wala pa ring tigil ang mga luha nito sa pagdaloy, pagkatapos mariin itong umiling.

"Pinagalitan ka ng tatay mo?"

Umiling na naman si Zia.

"Sinaktan?"

Sa puntong 'yon, hindi na napigilan ni Zia ang sarili na mas lalo pang umiyak.

"What did he do?"

"Wala po." Hinawakan ni Zia ang kamay niya. "Hayaan na natin siya, Mama. Umuwi na tayo..."

Kahit iyon ang isinagot ng unica hija niya sa kaniya, hindi pa rin siya naging kumbinsido. She felt like there was something more and she didn't want to see her daughter hurting like that.

"Doon ka na sa kotse," mariing utos niya.  "Kakausapin ko lang ulit ang tatay mo."

"Mama..."

Sinubukan pa siyang pigilan ni Zia pero hindi talaga siya nagpapigil. Matulin siyang naglakad para mapasok ulit ang building na kinaroroonan ni Dale. Rinig na rinig pa nga niya ang heels niya sa tuwing hahakbang siya pero wala na siyang pakialam kung agaw-atensyon man ang paglalakad niya ngayon. She needed to make it to his office immediately.

Pero nang saktong aabutin na sana niya ang doorknob ng opisina ni Dale, bigla na lang bumukas ang pinto.

"Sel..."

She somehow froze in her position when Dale stood in front of her. At kahit mukhang maging si Dale ay nagulat sa kaniya, nagawa pa rin nitong kumilos at magsalita.

"We need to talk—"

"Anong ginawa mo kay Zia?" mataray na sabat niya.

"Nag-usap lang kami."

"Sa tingin mo, maayos na 'yong anak mo sa pag-uusap n'yo? Umiiyak nang lumabas pagkagaling dito."

Bumalik si Dale sa loob ng opisina niya. "I don't know," he replied in a monotone.

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon