Habang gumugulong ang bawat araw, mas lalong tumitindi ang kutob at paniniwala ni Selene na si Zia nga ang nawawala niyang anak. Siguradong-sigurado na siya, pero mas minabuti pa rin niyang hintayin ang resulta ng DNA test na pinagawa niya.
Dalawang linggo rin niyang masugid na hinintay ang pinakainaasahan niyang resulta. At ngayon, hawak na niya ang envelope na magkukumpirma kung totoo nga ba ang kutob niya o talagang nasisiraan na siya ng bait.
Huminga siya nang malalim.
Handa na ba siyang malaman ang totoo?
Umusal siya ng maikling panalangin na sana ay si Zia na nga ang nawawala niyang anak dahil alam niyang talagang madudurog na naman siya kung mali ang kutob niya. At alam niyang baka hindi na naman niya kayanin 'yon lalo na't mag-isa lang siya sa puntong ito.
She exhaled after uttering her heartfelt prayer, then she finally grabbed her letter opener that was sitting on her desk. Dahan-dahan niyang binuksan ang envelope, pagkatapos ay inilabas niya ang papel na nakapaloob doon. Hindi na rin siya nagpatumpik-tumpik pa dahil nilagpasan na niya ang lahat ng nakasulat sa taas. She instantly gazed at the bottom part of the paper.
At biglang nanginig ang mga kamay niya nang sa wakas ay nasulyapan na niya ang nakasulat na resulta ng DNA test nilang dalawa ni Zia. Her eyes welled up with heavy tears as she felt how her heart dropped to her stomach the moment her mind processed what was written on the paper. Itinakip rin niya ang isang kamay niya sa bibig niya dahil hindi na talaga niya mapigilang maiyak.
Their DNA samples matched.
The result was positive.
Tama ang kutob niya; anak nga niya si Zia.
Si Zia nga ay si Margaux.
After all these years, sa wakas nahanap na niya ang pinakamamahal niyang panganay. Sa wakas, dininig ng diyos ang mga pagsusumamo niya. Laking pasasalamat rin niya na buhay pala talaga ang anak niya. Mabuti na lang talaga na hindi siya nakinig kay Dale at sa kahit sinong taong nagsabi sa kaniya na baka wala na si Margaux. Mabuti na lang, kahit kailan na kahit kailan ay hindi siya nawalan ng pag-asa at nagpatuloy siya sa paghahanap. Dahil ngayon, pwede na niya ulit makasama ang anak niya.
But then, she halted as questions came rushing through her mind like an endless wave on a raging sea.
Talaga nga kayang pwede na niyang makasama ulit ang anak niya? Ano ba ang dapat niyang gawin ngayong napatunayan na niya si Zia nga ang nawawalang anak niya? Paano niya sasabihin sa lahat itong natuklasan niya? Paniniwalaan ba siya ng mga tao? Paano niya mababawi ang anak niya? Paano niya sasabihin kay Zia ang lahat? Ano ba ang dapat niyang gawin ngayon?
Napasapo siya sa sintido niya habang paulit-ulit siyang humugot ng malalalim na hininga habang wala pa ring tigil ang pag-agos ng mga luha mula sa kaniyang mga mata. She kept her eyes wide open as she tried to answer each question she had in mind. Kaya lang, wala talaga siyang nasagot ni isa.
And in the midst of all the chaos in her head, she suddenly heard a knock on the door. At nang marinig niya 'yon, agad niyang nilingon ang glass door kaya nakita niyang kumakatok ang isa pa niyang pamangkin na si Lianna. Nakita rin niya kung paanong itinulak na nito ang pinto ng opisina niya.
Napasinghap siya at nagmadali siyang nagpunas ng luha. Pakiramdam kasi niya'y hindi siya pwedeng makita ng kahit na sino na ganoon ang kalagayan niya. Bukod doon, sinubukan rin niyang ikalma ang sarili niya kahit pa ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya.
Lianna—who was wearing a black, above the knee pencil cut skirt, a plain white blouse paired with a black blazer—courteously entered her office. The total silence in the room made her red-buttoms click prominently as she stepped a few times. She was holding her iPad and a notebook that looked like a journal in her hands, too. "Tita Selene, everyone is waiting for you in the conference room already," she told her, sounding so demure.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...