Chapter 19

924 109 65
                                    

After adjourning the hour long meeting with her jewelers, Selene hurriedly went back to her office. Nagmamadali na siya dahil may ime-meet pa siyang kliyente sa isang restaurant sa may di kalayuan pero halos thirty minutes na lang ang natitira sa kaniya para makarating doon.

Si didn't want to be late. Kaya aligaga niyang pinagdadampot ang mga folders na naglalaman ng jewelry designs niya na siyang dadalhin at ipakikita niya sa kaniyang kliyente.

Her schedule had been like this for days now—busy, full, and hectic. Kung kaya't sa ayaw at sa gusto niya'y naisantabi muna niya ang sa tingin niya'y hindi mahahalagang bagay. Itinuon na muna niya ang atensyon niya kay Zia, sa pamilya, at sa lumalago pa nilang business.

"Uhm, Tita Selene?" Habang nagde-decide pa kung dadalhin ba niya ang isang particular folder, umalingawngaw sa buong opisina niya ang boses ng pamangking si Lianna.

She instantly looked up and shifted her gaze to the direction of her niece's voice. "Yes?" sambit niya nang makita niya itong nakatayo sa may pintuan.

"Someone wants to see you," Lianna said.

Natigilan siya. Awtomatiko ngang kumunot ang noo niya. Naisip kasi niyang busy at nagmamadali pa siya pero sino naman itong gustong mang-istorbo na mukhang wala namang naka-set na appointment sa kaniya.

"Who?" she asked.

"Me." Biglang sunulpot si David sa loob ng opisina niya. Tumayo ito sa tabi ni Lianna at pinasadahan ng napakatamis na ngiti si Selene.

"David..." Selene uttered, almost stuttering, as she laid her eyes on him.

Sa totoo lang, hindi niya inasahan na pupuntahan siya ni David ngayon dahil wala naman silang napag-usapan na magkikita sila ngayon. Ang alam rin nga niya'y nasa Singapore ito para sa isang mahalagang family event. Pero kahit labis man ang pagkagulat, hindi pa rin niya naiwasan ang mapangiti, lalo na nang mapansin niya ang hawak nitong bouquet of flowers. Kung tama nga na para sa kaniya ang mga bulaklak na iyon, ito na yata ang pangalawang pagkakataon na makakatanggap siya ng bulaklak mula sa kaniya.

She breathed out as she kept her eyes on him. At bago pa magsalita ang isa sa kanilang dalawa ni David, inunahan na sila ni Lianna. Nagpaalam ang pamangkin niya na iiwan na niya ang dalawa at mauuna na.

"I'm quite surprised. Akala ko nasa Singapore ka," sambit ni Selene nang maiwan silang dalawa ni David sa opisina niya.

"Yes, but I was back last night pa." Lumapit ito kay Selene at iniabot ang flower bouquet na dala niya. "For you," malamyos na sambit pa nito.

"Thank you—"

"Selene Marie!"

Both of them paused when they heard the loud voice of Pristine from nearby. And in just a couple of seconds, they finally saw her entering the office like a storm.

"Bakit nandito ka pa? You should be—oh..." The words that came out of Pristine's mouth were like water running out of a faucet until she noticed David in the same office she's in. Napansin rin niya ang bouquet na hawak ng nakababatang kapatid. "Daivd, nandito ka pala! Wow, ah! Pumupogi yata tayo!" she said cheerfully.

David started shifting his gave to the two ladies. "Uh, I'm sorry for coming here unannounced. Is this a bad timing? Yayayain ko sana si Selene na mag-dinner sa labas," he asked since he couldn't help it. Parang na-sense kasi niya na busy ang lahat, lalo na si Selene.

"No! Actually, David, perfect timing nga para yayain mo siyang kumain sa labas. Hindi siya busy at wala na siyang gagawin pa, especially tonight." Naunang nagsalita si Pristine na labis na ikinabigla ni Selene dahil alam niyang may kliyente pa siyang kailangan puntahan. "Right, Selene?" Pristine turned to her with a grin.

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon