Chapter 47

315 14 26
                                    

Pinanood lang ni Dale ang pagri-ring ng cellphone niya. Pang-ilang tawag na ni Arianne 'to ngayong araw, pero wala pa rin siyang ganang sagutin ito. 'Di na rin niya mabilang kung ilang araw o linggo na silang hindi okay. Alam rin naman niya na siya na ang may kasalanan kung bakit walang tamang nangyayari sa buhay niya ngayon at hindi si Arianne, pero wala pa rin talaga siyang planong makipag-ayos.

Ewan ba niya. He's too fucked up right now. It's been two weeks since the last time he got in touch with his daughter. He doesn't even know how he's holding up.

Nagpakawala na lamang siya ng isang malalim na buntonghininga. At nang tumigil sa paghuhurumentado ang kaniyang cellphone ay napasandal na lang siya sa kaniyang swivel chair at napapikit.

He needs a break from all of these. Umidlip kaya muna siya, tutal wala naman na siyang ginagawa?

Kaya lang, hindi pa naman niya natatapos ang iniisip niyang 'yon, narinig na niya ang pagbukas ng pinto ng kaniyang opisina. Kasabay pa nga nito ang paghalimuyak ng sopistikadang pabangong pambabae. Namutawi rin sa kaniyang tainga ang tunog ng tanong na mabilis na naglalakad palapit sa kaniya.

At dahil sa lahat ng iyon, dagli siyang dumilat. "S-selene..." nauutal na sambit niya dahil sa pagkabigla.

Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla kung walang ano-ano'y bigla mong makita ang napakaganda at napakaelegante mong ex-wife na nandito pala sa opisina mo nang wala man lang abiso? Napaayos din tuloy siya ng upo.

"What are you doing here? I thought—"

Tumayo si Selene sa mismong harapan ng office desk niya, pagkatapos padabog nitong inilapag ang ilang piraso ng papel sa harapan niya kaya't hindi na niya natapos pa ang sana'y sasabihin niya. "Hindi ko alam kung anong ginawa o sinabi mo sa anak ko, pero ito ang naging epekto sa kaniya!" pasigaw na sambit pa nito.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong niya sabay kinuha niya ang mga papel mula sa desk niya para tingnan.

"Test papers ng anak mo!" Nagpawemang pa si Selene habang halos pandilatan na siya nito ng mata. "Ang tali-talino ng batang 'yan. Napakasipag pang mag-aral. Scholar pa nga siya no'n, 'di ba? At sa panahon na nandito siya sa poder ko, ni minsan hindi nagkaganiyan ang scores niya sa exam. Pero tingnan mo ngayon, bagsak! At hindi lang bagsak, ah! Kulang na lang ma-zero siya sa lahat ng subject niya."

Hindi niya maiwasang hindi mapangisi habang pinagmamasdan niya ang marka ni Zia. "Ooh, this is bad," mahinang sambit niya.

"Talaga!" Ngayon nama'y humalukipkip si Selene. "At kasalanan mo 'to."

Ang mga salitang 'yon ang naging dahilan para lingunin naman niya si Selene sa pagkakataong ito. "Teka, bakit ako na naman ang may kasalanan?" Sa tono pa lang ng boses niya, halatang hindi siya sang-ayon sa sinabi ng dati niyang asawa.

"Eh, nagkaganito lang si Zia simula no'ng araw na ilang oras siyang nawala kasi kung ano-ano ang pinagsasabi mo sa kaniya!"

Ito na naman. Ilang linggo na rin naman ang nakalilipas pero hanggang ngayon, sa kaniya talaga ang sisi sa bawat kamalasan na nangyayari simula nang araw na 'yon. Napapagod na siya. Wala na bang bago?

Huminga siya ng malalim, pagkatapos ay nagdesisyon na siyang tumayo mula sa kaniyang swivel chair. "Selene, wala akong intensyong masama sa pinag-usapan namin ni Zia no'n. Umamin lang ako sa totoong nararamdaman ko sa..." Natigilan siya sa puntong iyon. Because no, he couldn't tell her what did he admit to their daughter. Hindi pa ito ang tamang panahon. "Inamin ko lang ang nararamdaman ko sa mga bagay-bagay. Nagpakatotoo lang ako, Selene."

"Whatever! she exclaimed, rolling her eyes in dismay. "Kahit ano pang sabihin mo, hindi mo pa rin maikakaila ang totoo na naaapektuhan ang anak ko in a bad way dahil sa nangyari."

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon