"Alam mo ba, Saph? Pumayag na si Mama na magpaligaw kay Papa Chen ko."
"Really? That's good news!"
Pagtapak na pagtapak pa lang ni Selene sa second floor ng bahay nila, rinig na rinig na niya ang pag-uusap ng dalawang teenager sa kwarto. Medyo nakabukas kasi ang pinto kaya kahit hindi gaanong malakas ang boses nila'y naririnig pa rin sila mula sa labas lalo na't malapit lang naman sa hagdanan ang kwarto kung nasaan sila.
"I'm really happy for Tita Sel," Sapphire said happily.
Ayaw sana niyang istorbohin sila kaya't binalak niyang bumaba ulit at manatili na muna sa sala o sa kusina habang hinihintay na matapos ang dalawa. Pero hindi niya nagawa dahil napukaw ang atensyon niya sa isang tanong na bigla na lamang sinambit ni Zia.
"Pero bakit kaya may mga taong parang ayaw maging masaya 'yong sinaktan nila noon, 'no?" Zia asked, sounding a little hesitant and sad.
"Anong ibig mong sabihin?"
Selene carefully walked toward room. She tried so hard not to make a sound. Sumandal siya sa pader malapit sa pinto at tahimik na pinakinggan sasabihin pa ng anak niya.
"Napansin ko kanina si Sir Dale noong nasa ospital kami. Halatang-halata sa mukha at kilos niya na tutol siya nang sabihin ni Mama na pumayag na siyang magpaligaw kay Papa Chen. Parang inis na inis siya kasi ang saya-saya ni Mama," pagsasaad ni Zia.
Agad namang kumunot ang noo niya sa narinig. But still, she chose to keep quiet and continued to secretly listen to the conversation.
"Hindi naman siguro gano'n, Z," malamyos na sambit naman ni Sapphire. "Maybe yes, tutol siya na magpaligaw ulit si Tita Selene kasi for sure natatakot siyang lalo kang mapalayo sa kaniya kasi kapag nagtuloy-tuloy ang lahat ng 'to, magkakaroon ka na ng stepdad. Tito Dale knows how much you like Tito David. I'm sure gano'n lang ang reason niya kung bakit 'di siya in favor sa pagpapaligaw and not because he doesn't want Tita Selene to be happy."
"'Di ako convinced diyan."
"Eh?"
There was a pause. Parang biglang tumahimik ang buong bahay.
Would that be here quoue? Dapat na ba siyang pumasok at magpakita sa dalawa at magpanggap na lang na parang wala siyang narinig?
She took a deep breath as she was ready to step inside the room. But before she could even do that, she heard Zia's voice again. Kaya napahinto na naman siya at muling sumandal sa pader para muling makinig nang patago.
"Feeling ko talaga eme si Sir Dale, eh," Zia sounded certain but confused at the same time. "Alam mo 'yon, Saph? Parang nagseselos siya..."
Narinig pa ni Selene ang pagtawa ni Sapphire. "Of course, magseselos talaga 'yon, 'no! Imagine, mas close ka pa kay Tito David than him, your own father," malakas na sambit pa nito.
"Hindi," marahang pagtutol ni Zia. "Hindi naman 'to tungkol sa 'kin. Ang ibig kong sabihin, nagseselos siya kasi may ibang lalake na sa buhay ni Mama."
"Oh my god!" Sapphire exclaimed. Base sa naging tono nito, halatang nagulat siya. Selene could even imagine her niece's face right now. "So you're insinuating na may something pa si Tito Dale kay Tita?"
"Something?"
"Feelings!"
Sa hindi mawaring dahilan, bigla na lamang kumabog puso ni Selene nang marinig niya iyon. Napahawak tuloy siya sa kaniyang dibdib.
"So may feelings pa rin si Tito Dale kay Tita Selene? Kasi hindi naman siya magseselos kung wala na, 'di ba? So after all these years, hindi naman talaga nawala ang feelings niya for Tita Sel?" Sapphire questioned but she seemed to be proving a point, too.
"Imposible naman 'yan," Zia disagreed in a monotone. "Kasi kung hindi nawala ang feelings niya para kay Mama, edi sana hindi niya nagawang saktan nang sobra-sobra at ipagpalit ang Mama ko nang gano'n-gano'n lang. Malinaw naman sa ginawa na wala na siyang nararamdaman para sa Mama ko kasi lahat ng feelings at pagmamahal niya na kay Arianne na."
Bigla siyang nalungkot. Naisip kasi niya na kahit hindi si Dale iyon, masakit pa ring ipagpalit ka ng taong nangako sa 'yo ng pang-habambuhay sa iba.
"You're right about that, Z. But what if..." Talagang nagpabitin pa si Sapphire.
"What if ano?"
"What if bumalik pala 'yong feelings niya for Tita Selene?"
"Luh? Ano pagbalik ko, bumalik din ang feelings niya?" Zia questioned.
"It's not impossible, Z!" giit naman ni Sapphire. "Tita Selene became prettier, sexier and hotter than when he left her. Tapos pagbalik mo, he got the chance to be with you two. Baka nakita niya that Tita Selene is just so good and maybe because of that... he developed feelings for her again."
Selene could only gulp upon hearing Sapphire's words.
"And maybe that's one of the reason kung bakit ayaw na muna niyang makipag-ayos kay Arianne," dagdag pa ni Sapphire. Ang tono nga ng boses nito'y parang naka-solve siya ng isang misteryo. "What do you think? Cause I think, I'm right," tanong nito kay Zia.
"Huwag naman sana."
"Yeah, that's kind of messy if ever."
Bumuntonghininga na lamang si Selene at napahilot sa kaniyang sintido. She doesn't want to hear any further. She can't take it anymore. So she exhaled and finally stepped towards the room. She knocked on the door and peeped inside with a smile.
"Can I come in?" malambing na tanong niya nang lingunin siya nang dalawa mula sa kama.
Zia and Sapphire nodded simultaneously before glancing at each other. Parang nag-usap ang mga mata nila na dapat kumalma lang sila at kalimutan na ang napag-usapan nila.
"Parang ang seryoso naman ng usapan n'yo," Selene remarked as she sat on the edge of the bed facing her daughter and her niece. She tried to sound casual to avoid any tension. Ayaw rin niyang malaman ng dalawa na narinig niya ang pinag-usapan nila.
"Hindi naman po, Mama," Zia answered with a timid smile.
"Zia just told me na pumayag ka na pong magpaligaw kay Tito David," ani Sapphire.
Ngumiti naman siya at tumango. "Ako pala ng topic n'yo, ah!" she teased, chuckling.
"Zia is just sharing the good news and I'm very very happy for you, Tita," Sapphire then stated with twinkling eyes.
"Thank you, Saph."
Bigla namang tumikhim si Zia. "Pero, Saph, mas maganda kung sasagutin na niya si Papa Chen ko, 'di ba?" she butted in.
She instantly gave Zia a warning look. "Zia, hindi ba ang sabi ko—"
Zia cut her off, "Or better yet, magpakasal na agad kayo, Mama." Bigla pa nga itong umusog palapit sa kaniya, pagkatapos ay niyakap pa siya nito. "Mama, pakasalan mo na si Papa Chen ko, please? Para maging happy family na tayo at para wala nang umepal, oh."
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...