Alam na ni Zia na wala na namang susundo sa kaniya sa araw na 'to. Ang pinsan naman niyang si Sapphire ay may lakad kasama ang mga barkada nito, kaya talagang uuwi siyang mag-isa ngayon.
It has been a couple of days already, pero hanggang ngayon galit pa rin ang nanay niya sa kaniya kahit na ilang beses na siyang nag-sorry at nagpaliwanag na hindi naman niya sinasadya ang nangyari. At dahil do'n, napapaisip tuloy siya kung gano'n ba talaga ka-big deal na nagkatabing muli sa isang kama ang mga magulang niya. Eh, dati naman halos gabi-gabi silang magkatabing matulog.
Umiling-iling na lang siya at tahimik na binaybay ang pathway palabas ng campus.
Her mind was in a haze. Kaya talaga namang nagulat siya nang makita niya ang isang taong pamilyar na pamilyar sa kaniya paglabas niya sa school premises.
That handsome chinito man was the last person she was expecting to see right at this moment.
Yes, it was indeed David Chen in his simple but clean golf attire. Kaya kahit nagulat at nagtaka man siya sa presensya nito, hindi niya ipinagdamot ang isang matamis na ngiti.
Hindi naman nag-atubiling lumapit so David sa kaniya nang makita nito kung gaano kaaliwalas ang mukha niya. "Hi, Zia!" nakangiting bati nito.
"Uy, Mr. Pogi, nandito ka!" Inayos pa niya ang pagkakasuot ng eyeglasses niya para makitang mabuti ang kausap. "May kilala ka din po bang nag-aaral dito? Susunduin mo po siya?" tanong pa niya.
"No, I came here to see you."
Her eyes widened a little as she placed her hand on her chest. "Ako po? Bakit?" she questioned.
"I want to talk to you about something sana, eh. If it's alright with you..."
"Tungkol saan po?"
Lumunok si David. "About your Mama..." mahinang sambit nito.
Her eyes glimmered the moment she heard what it seemed like a magic word to her. "Magpapaalam ka po na liligawan mo na si Mama ko, 'no?" she asked with an ear to ear grin.
Napasinghap si David sa narinig pagkatapos ay napakamot ito sa kaniyang ulo. He was actually caught off guard and that made him chuckle nervously. "Uhm, can we talk somewhere else? Para comfortable tayo," he suggested instead of answering her question.
Pumayag naman si Zia kaya pumunta sila sa isang coffee shop sa may 'di kalayuan. Um-order pa nga si David ng pagkain para magmiryenda na rin. Pagkatapos ay pumili na rin sila ng lugar kung saan sila pwedeng pumwesto para makapag-usap ng maayos.
"So... tama po ba ako?" Zia excitedly asked as she sat down on the chair across David. "Gusto mong ligawan ang Mama ko."
"How do you know that?"
"Hmm, nahahalata ko lang po kapag nakikita ko kayong magkasama ni Mama."
"Really? Gano'n ba ako kahalata?"
"Siguro po gano'n talaga kapag gusto mo ang isang tao." After uttering those words, their orders were momentarily served. It was a bit of an interruption but she managed to slide back in to the conversation by asking, "Pero bakit si Mama? Ang dami naman pong iba d'yan, pero bakit siya pa?"
David from in his position. "Bakit? Ayaw mo ba sa 'kin?" he nervously asked.
"Hindi naman po." Zia smiled reassuringly. "Sa katunayan nga po, gustong-gusto kita. Mabait ka po, gwapo at nakikita kong mabuting tao ka po talaga. Kaya nga po nagtataka ako na bakit sa dinami-rami ng babae d'yan na mas bagay sa 'yo pero ang Mama ko pa rin ang gusto mong i-pursue? Alam naman po natin na may past siya. Failed po 'yong unang marriage niya," she expounded.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...