"I don't even know where to start," Dale admitted with a hint of embarrassment on his voice.
Kanina pa sila magkasama si Zia. He picked up her from her school today and took her to this fast food chain where they're currently in right now. Nakapag-order at nai-serve na nga sa kanila ang mga pagkain nila. Nagsimula na ring lantakan ni Zia ang french fries na in-order nila pero hanggang ngayon ay small talk pa rin ang nagiging topic nila.
Zia crinkled her nose after swallowing the fries she was chewing. "Okay lang po 'yan. Kain na ka na po muna, Sir Dale," banayad na sambit niya bago muling kumuha ng french fries at kainin 'yon. Wala na nga muna siyang pakialam sa pag-uusapan nila ng biological father niya dahil nagugutom na talaga siya at masarap ang pagkaing nakahapag sa harap niya ngayon.
At nang mapansin niyang hindi kumakain si Dale, kinuha niya ang isa sa mga burger na nasa tray pa at walang salita niya iyong iniabot sa kaniya.
Dale's lips curved into a smile because of that simple gesture. "Thank you," malambing na sambit niya sa anak nang kunin niya ang burger mula sa kamay nito. "Thank you rin dahil pumayag ka na magkita at mag-usap pa tayo."
Zia just nodded her head a little like what he said was not a big deal.
Huminga nang malalim si Dale at yumuko ng kaunti. "Kung ang Mama mo kasi ang tatanungin, ayaw na niyang magkasama pa tayo, eh," malungkot na sambit niya. Hawak pa niya ang burger sa dalawang kamay niya ngunit hindi talaga niya magawang kumain. "Especially after the last time I picked you up from school."
Zia said nothing and just continued to eat.
"Your Mama told me everything, anak," he said as he lift his head again to look up to her. "Sinabi niya sa 'kin kung anong nangyari, kung anong nakita mo at kung ano ang naramdaman mo. And I'm very sorry I made you feel that way."
Isusubo na sana ni Zia ang ilang french fries na hawak niya pero natigilan siya sa narinig. Napakurap-kurap lang siya habang nakatingin sa kaniyang ama. Medyo hindi niya inaasahan ang mga salitang 'yon nang ganito kaaga. Akala niya mamaya pa ang drama pero parang ngayon na pala.
"Pero, 'di ba, hindi naman yata tama na basta na lang niya ako tatanggalan ng karapatan bilang tatay mo? I mean, I get that she's just protecting you from getting hurt... pero sobra naman yata 'yon."
"But can you blame Mama for being like that, Sir Dale?" she unexpectedly questioned. Sa puntong iyon, itinigil na muna niya ang pagkain niya. Gusto kasi niyang nakatuon lang ang buong atensyon niya sa magiging usapan nilang mag-ama para masabi niya ng tama ang lahat ng gusto niyang sabihin.
Natigilan si Dale. Napasandal pa nga siya sa silyang inuupuan niya.
"Nasaktan po ako, Sir Dale." Mapait ang tipid na ngiti sa mga labi ni Zia. "Akala ko nga po hindi na, eh. Kasi nang pumayag po akong bumalik dito, naiintindihan ko na po ang pamilyang dadatnan ko. Ipinaintindi po nila sa 'kin na hiwalay na kayo ni Mama. Kaya kahit na parang ang gulo, tinanggap ko 'yon nang maluwag sa dibdib kasi akala ko okay pa rin po ang lahat kahit na nagkagano'n ang family natin," malumanay na pagwiwika niya.
Napasinghap si Dale sa mga sinabi ng anak niya. At sa totoo lang, naramdaman niyang hindi na siya komportable sa takbo ng usapan nilang dalawa ni Zia. He felt something tweaked his heart. Something buried deep inside it begins to hurt.
"Pero bigla ko pong na-realize na masakit din pala. Kasi siguro pinangarap ko po talaga ng isang buong pamilya."
Saglit na pumikit nang napakariin si Dale.
"Bakit po gano'n, Sir Dale?" she asked. "Bakit po nagkagano'n?"
Huminga nang malalim si Dale bago niya muling iminulat ang mga mata niya. He had enough courage to look her in the eye. "I'm sorry... everything turned out like this, Zia. I'm the one to blame. Ako ang may kasalanan kung bakit hindi natupad ang pangarap mong makabalik sa isang buong pamilya. Bigla kasing nag-iba ang takbo ng buhay, eh. But believe me, sinubukan kong panghawakan ang pangako ko sa Mama mo na habang buhay kami... pero wala, eh... I suddenly found myself falling in love with your Tita Arianne," he bravely admitted as he tried to sound casual.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...