"Ma, may balita na ba kay Zia?" Nahihiya man dahil kinakain na ng guilt, naglakas-loob pa rin si Dale na lapitan ang kaniyang ina na kasalukuyang nagsasalin ng tubig sa baso sa may kusina.
"Wala pa." Tinapunan siya ng dismayadong tingin ng kaniyang ina matapos nitong mapuno ang baso. "Ewan ko sa 'yo. Para kang magnet ng problema. You're always at the crime scene. Noong unang mawala ang apo ko, ikaw rin ang kasama niya at ngayon ikaw rin ang dahilan kung bakit humantong na naman sa ganito ang sitwasyon," malamig na pagwiwika pa nito.
Everything he heard from his own mother was definitely a hard pill to swallow. Kaya hindi siya nakakibo.
"Ipanalangin mo na hindi maulit ang nangyari noon dahil kahit ako hinding-hindi na kita mapapatawad pa kapag may nangyari sa apo ko." Mataray talaga siyang tiningnan ng nanay niya mula ulo hanggang paa bago siya nito iniwan sa kusina.
Bitbit ang isang basong tubig, dumiretso sa sala si Clarisse kung saan kasalukuyang matatagpuan si Selene na halatang binabalot pa rin ng pagkatuliro at labis na pagkabagabag. She made her way to the sofa where she was sitting. "Selene, uminom ka muna ng tubig," banayad na sambit niya nang maupo siya sa tabi nito para iabot ang tubig na kaniyang inihanda.
Pero sa halip na kunin ang baso at uminom, tiningnan siya ni Selene. Fear and despair resonated in her eyes. "Ma, kapag nawala pa ulit si Zia, ikamamatay ko na," she sobbed.
"Hush, anak." Nagdesisyon si Clarisse na ilapag na muna sa coffee table ang basong hawak niya para aluin si Selene. She scooted closer to her and reached to cup her face. "Hindi na mangyayari 'yon, Selene. Hindi na mawawala ulit sa 'yo ang anak mo. Hindi natin hahayaang mangyari 'yon," she softly said, gently stroking her cheeks.
"Pero, Ma..."
"Your Kuya Andres is out there looking for her. Pati na rin ang Ate Pristine at mga pamangkin mo. Kaya naniniwala ako na hindi mawawala at uuwi rin si Zia." Humugot ng isang malalim na hininga si Clarisse pagkatapos sabihin ang mga nakapagpapatibay na salitang 'yon. "Maybe she just needed some time and space for now pero uuwi 'yon."
Habang inaalo ni Clarisse si Selene, patago naman silang pinapanood ni Dale. Pakiramdam nga niya, para siyang nade-deja vu sa mga oras na 'to. This isn't the first time this happened. About thirteen years ago, they fell into the same situation. Ang kaibahan lang, hindi na batang musmos si Zia ngayon. Pero kagaya ng dati, kasalanan pa rin niya kung bakit tila bigla na lang naglaho ang anak niya.
Those thoughts alone shattered his heart.
Naisip rin niya na ang swerte ni Selene. Pareho lang naman sila ng nararamdaman—o baka nga mas mabigat pa ang sa kaniya dahil kinakain pa siya ng guilt—pero sa kaniya nakaantabay ang lahat. Everybody's there for her. She has been receiving love, care, comfort and support. Kahit nga ang sariling nanay niya, kay Selene naka-focus. Habang siya mag-isa lang siyang nasasaktan.
Pero sino nga ba siya para magreklamo? Kung krimen ito, siya ang suspect. Kaya kung mapapansin man siya, malamang sa malamang ay sisi ang ibubunton sa kaniya. At hindi nga siya nagkamali. Because the next thing he knew was Selene stood up from her seat and pointing a finger at him after spotting him in the corner.
"Kasalanan mo talaga 'to, eh! Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi mo sa anak ko!" she snapped at him. Mabuti na lang nasa tabi niya si Clarisse para hawakan at awatin siya. "Noong unang mawala si Zia, kahit kailan hindi ko isinisi sa 'yo 'yon, pero ito? Kasalanan mo na 'to, Dale!"
His chest rose and fell at that moment. He took in everything she said. Wala, eh. Totoo ang lahat ng iyon. Pero kahit pa grabe na rin siyang nasasaktan sa puntong iyon, pinigilan pa rin niyang umiyak kahit na bumibigat na ang luhang naiimbak sa kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...