Chapter 26

693 82 10
                                    

Maagang pumunta si Selene sa kaniyang opisina kahit wala pa naman siyang kailangang gawin doon. Gusto kasi niya ng katahimikan at pakiramdam niya'y dito lamang sa apat na sulok lang ng kaniyang office masusumpungan iyon ngayon.

Mula kahapon pa'y halos hindi na maitikom ni Zia ang bibig nito. She was asking about what happened between her and David.

Nagkwento naman siya at naipagtapat naman niya sa anak niya ang nangyari at kung ano ang mga sinabi ni David sa kaniya. Kaya lang nang sabihin niyang hindi muna siya pumayag magpaligaw ay parang nadismaya ito.

Zia kept on asking why she wouldn't let David to formally pursue her and started reassuring her that it's totally okay if she'll have a love life again.

Paggising naman nila ngayong umaga'y nangungulit si Zia na sana raw ay magpaligaw na siya. Heck, she wasn't ready for that. Ni hindi pa nga niya nasasabi sa Ate Pristine at Kuya Andres niya ang tungkol sa lahat ng 'to, kaya nagpasiya siyang umalis na sa bahay at dumiretso sa kung nasaan siya ngayon.

Bahala na muna si Zia sa sarili nito. Dahil kailangan muna niyang maging mapag-isa para ipahinga ang isip niya. Ihahatid naman siguro sila ng Tito Andres nito sa school.

She exhaled after shutting those thoughts down. Humigop rin siya ng tsaa mula sa kaniyang tasa bago siya sumandal sa inuupuan niyang swivel chair.

She just sat there, indulging the peace and silence she's currently experiencing.

But then her phone beeped.

Her forehead instantly creased as she reached for her phone on the desk.

"Kapag ito si Dale na naman... itatapon ko na talaga 'tong phone na 'to," medyo naiinis pa talaga niyang bulong sa sarili.

Good thing, she was wrong.

She received a good morning message from David instead.

Umukit tuloy ang isang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi dahil sa nakitang notification sa screen ng cellphone niya. Hindi rin siya nag-atubiling mag-reply. Mabilis ang naging pagtipa niya sa onscreen keyboard kung kaya't madali niyang nai-send ang reply niya. Pagkatapos no'n, ibinalik na niya ang cellphone desk.

Muli na sana siyang sasandal sa swivel chair pero natigilan siya nang kumatok sa pinto ang isa sa mga security guards ng building nila. Inayos pa niya ang pagkakaupo niya nang papasukin niya ito sa loob.

"Good morning po ulit, Ma'am," magalang na bati ng security pagpasok nito sa loob ng office. "Ma'am nasa labas po ng building si Mr. Gomez. Hinahanap po kayo. Papapasukin ko po ba?"

Her forehead creased. "Mr. Gomez?"

"Ex husband mo po," paglilinaw nito. "Papapasukin ko po ba siya, Ma'am?"

She suddenly let out a breath she didn't know she was holding. "Ako na'ng bahala," she said as she stood up from her seat.

Sinenyasan rin niya ang bodyguard na lumabas na sa opisina, pagkatapos ay lumabas rin siya.

Dumiretso siya sa entrance at doon niya nakita si Dale na nakatayong naghihintay na animo'y inip na inip na at talagang nakapamewang pa. That made her frown. Pero hindi siya nag-atubiling lapitan ito para kausapin.

"What brings you here?" she asked as she folded her arms on her chest.

"There you are, finally!"

"Bakit ba?"

"Mag-usap nga tayo," he sternly stated, then she pulled her outside the building by grabbing her arm.

"Ano ba?!" Marahas namang binawi ni Selene ang braso niya mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Dale. Hindi siya pumayag na tuluyan siyang makaladkad sa kung saanman.

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon