Chapter 27

675 80 23
                                    

"Kinakabahan ka ba?"

Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Selene nang marinig niya si Dale. Magkatabi lang ang mga silyang inuupuan nila ngayon kaya kahit pabulong lang nang magtanong ito'y malinaw niyang narinig.

Iginiya niya ang kaniyang ulo sa direksyon ni Dale. "Bakit naman ako kakabahan?" medyo naguguluhang tanong niya.

"Eh kasi lagi kang kinakabahan no'n kapag pinapa-check up natin si Zia noong maliit pa siya."

Oo, nasa clinic sila ngayon dahil ngayon ang appointment nila sa opthalmologist ni Zia para sa isa na namang consultation. Pumayag na kasi ang anak nila na muling ipasuri ang mga mata niya.

"Has things changed, Sel?" he asked when she didn't utter a single word.

She instantly sighed and looked away. "Ewan ko," malamig pa niyang tugon.

Huminga naman nang malalim si Dale habang nakatuon pa rin ang kaniyang mga mata sa dating asawa na ngayo'y pinagmamasdan na ang anak nila na kasalukuyang sumasailalim sa isang simpleng eye exam.

Tatahimik na lamang sana siya pero hindi talaga niya napigilang lumiyad ng kaunti sa direksyon ni Selene. "Our daughter is doing well, Sel," bulong pa niya.

"Alam ko kaya tumahimik ka na." Ni hindi man lang siya nilingon ni Selene dahil nakatutok ang buong atensyon nito kay Zia.

Nang marinig naman niya ang mga salitang iyon ay sumandal na rin siya sa inuupuan niyang silya at tahimik na lamang na pinanood ang anak nila.

They sat in comfortable silence, watching how the ophthalmologist conduct the eye exam with their daughter for a couple of minutes more. At hindi rin nagtagal ay natapos na ang lahat kaya sila naman ang hinarap ng doktora upang ipaalam ang kalagayan ng mga mata ni Zia.

Kinumpara nga ng doktora sa kanila na pwedeng sumailalim ang anak nila sa LASIK surgery upang maitama ang vision nito. Pero sinabihan rin sila na bago mag-undergo ng gano'n si Zia ay marami pa siyang kailangang tapusing ibang tests para sa kaniyang mata upang masiguro nila na makakabuti nga sa kaniya ang gagawing procedure.

Pumayag naman sila sa lahat ng sinabi ng doktora sa kanila kaya nabigyan pa ng schedule si Zia para sa isa pang doctor's appointment.

"Baby ko, how do you find your first appointment with your new ophthalmologist?" tanong ni Dale sa anak pagkalabas na pagkalabas nila sa clinic.

"Okay naman po. Magaling siya," tugon naman ni Zia habang sinasabayan pa rin sa paglakad ang kaniyang ina pero nakatuon ang kaniyang mga mata kay Dale. "Nag-enjoy nga po ako sa mga ginawa namin, eh. Siya yata ang pinaka-sweet at soft spoken na doktor na nakilala ko."

"Talaga? Wow."

Zia suddenly halted. "Kaya lang nakakagutom pala 'tong ganito, 'no?"

Agad na napahinto si Selene nang marinig niya ang sinabi ng anak niya. Magsasalita na nga sana siya pero naunahan naman siya ni Dale.

"Gutom na rin ako. Kain tayo?" sambit ni Dale. "Ang daming restaurants dito na pwede nating kainan."

Oras na rin naman kasi ng pananghalian kung kaya't tamang-tama ang pagyayaya ni Dale.

"Uuwi na lang kami ni Zia. Sa bahay na kami magla-lunch," Selene coldly butted in.

"Sel naman. Gutom na si Zia, oh. Kung uuwi pa kayo baka magluto ka pa. It'll take time. Baka naman malipasan ng gutom ang anak natin n'yan," mahinahong pagwiwika ni Dale. Habang si Zia naman ay nanatiling tahimik. "Kumain na lang tayo sa labas. Ang daming malapit na restaurants, oh."

Silang tatlo kakain ng lunch sa labas? Ano 'to family date? Family day? Isang kotse lang rin ang sinakyan nila kanina at iyon ay ang kotse ni Dale. Hindi pa ba sapat iyon? Talaga bang pati sa lunch magkakasama pa sila?

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon