Chapter 21

860 100 13
                                    

Takipsilim na nang makarating si Selene sa bahay ng Mama Clarisse niya.

Dapat alas singko pa lang ng hapon ay nasundo na niya si Zia. Pero marami siyang workload na kinailangang tapusin sa opisina kaya't na-late siya.

And since she's already late, she hurriedly got out of the car after she pulled over in front of Clarisse's house. Pero saglit rin siyang natigilan nang makita niyang lumiwanag ang madilim na kapaligiran dahil sa isang malakas na kidlat. Napatingala pa nga siya maulap at malamlam na kalangitan. At sa totoo lang, kanina pa niya napapansin na makulimlim ang panahon pero ngayon pa lang nagbabadya ang ulan. Kaya naman hindi na nga siya nagpatumpik-tumpik pa at nagdesisyon nang tumuloy na sa loob ng bahay.

"Mama, bakit ngayon ka lang?" bungad sa kaniya ni Zia pagpasok na pagpasok pa lang niya sa bahay.

Nilapitan niya ang anak niya't niyakap. "I'm sorry, anak. Medyo marami kasi akong kinailangang asikasuhin sa office. Hindi ko masyadong namalayan ang oras," kalmado ngunit nagu-guilty na paliwanag niya.

"Okay lang po."

"Ang Lola Clarisse mo?"

"Nasa kitchen po. Nagluluto pa siya ng dinner."

She suddenly breathed out. "Okay. Pupuntahan ko lang ang lola mo saglit at ikaw, ayusin mo na ang mga gamit mo dahil pagbalik ko dito aalis na tayo," she instructed casually.

"Aalis na po tayo agad, Mama?"

She nodded her head. "Oo, kasi kung magtatagal pa tayo baka abutan tayo ng malakas na ulan. Mahirap mag-drive kapag gano'n, anak," she answered.

"Okay po."

"I'll be right back," she said and excused herself and walked straight to the kitchen.

At habang papalapit siya sa kusina, unti-unting niyang naririnig ang paglakas ng isang napakapamilyar na tinig na nagsasalita. She was taken aback for a moment when she recognized the voice, since she wasn't expecting a certain person to be present here today, but decided to keep walking.

"Oh, Ma, akala ko ba hindi healthy ang junk foods? Bakit ang dami mong chichirya na naka-store dito?"

Boses nga ni Dale ang naririnig niya.

"Hoy, 'wag mong gagalawin ang mga 'yan. Para kay Zia ang mga 'yan," striktong pagwiwika naman ni Clarisse sa anak niya.

"Ayan, kapag sa anak ang higpit. Pero pagdating sa apo nang-i-spoil."

"Shut up, Dale Christian."

Clarisse's words made her chuckle and because of that, Dale suddenly shifted his gaze to her direction.

She halted for a second when their eyes met.

He smiled at her.

But she looked away and decided to proceed to Clarisse's direction when she was his sweet yet timid smile. "Ma, nandito na po ako," she announced, completely ignorning Dale's presence this time.

Mabilis naman siyang binalingan ni Clarisse. Agad nga nitong tinakpan ang niluluto niya at inilapag ang sandok sa isang walang lamang pinggan na nasa counter bago siya nito nilapitan. "Kanina ka pa hinihintay ng anak mo," sambit pa nito sabay bumeso sa kaniya.

"I'm sorry, Ma. I'm late."

"It's alright. Advantage nga sa 'kin na na-late ka kasi mas matagal ko siyang nakasama," Clarisse said, smiling. "Anyway, I'm cooking dinner. Malapit nang maluto. Kaya dito na kayo mag-dinner ni Zia."

Medyo napangiwi siya. "Uh, Ma, mauuna na sana kami ni Zia, eh," nahihiyang sambit niya.

"Ha? Bakit naman?" Mabilis na sumimangot si Clarisse. "Dito na kayo kumain. Sayang naman itong niluluto ko," pagkumbinsi pa niya.

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon