Chapter 16

1K 118 22
                                    

Matiwasay na lumipas ang ilang linggo.

Pakiramdam nga ni Dale pumabor sa kaniya ang bawat kumpas ng pagkakataon sa mga nagdaang araw.

He got to spend quality time with his daughter. Pinapayagan kasi siya ni Selene na siya ang sumundo kay Zia pagkatapos ng klase kapag medyo nabu-busy ito sa business nila. Pumapayag rin naman si Zia na mamasyal o kunain sila kahit saglit lang bago niya ito tuluyang iuwi sa bahay na tinitirhan niya.

At kahit pa mga simpleng bagay lang iyon, masaya na siya. Kahit na madalas ay nararamdaman niyang medyo malayo pa talaga ang loob ni Zia sa kaniya dahil hindi pa rin siya nito tinatawag na 'Papa', at least nagre-respond na ito sa kaniya. He's actually seeing gradual progress on their father and daughter relationship.

But today was different.

Nagsisimula na siyang kabahan. Hindi na rin niya mapigilan ang sarili na mag-overthink.

He checked his phone again.

Talagang hindi pa rin nagre-reply si Zia sa mga messages niya kahit pa kitang-kita niya na delivered naman ang mga 'to.

Nakakapanibago.

These past few days, Zia would always reply to his messages no matter how short it could be. Pero ngayong araw, kahit seen man lang wala.

Kinakabahan siya dahil baka may nasabi o nagawa na naman siyang mali tapos pala ay nagdesisyon na naman si Selene na ipagkait na naman at tuluyang ilayo sa kaniya ang anak nilang dalawa.

Huwag naman sana.

But he could only hope and pray.

Pero natigilan siya sa pag-iisip ng kung ano-ano nang bigla niyang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto ng opisina niya. The door was glass, kaya agad niyang namataan na ang Kuya Andres niya ang tao sa labas.

He signalled him to go in.

"Dale," bungad ni Andres. "May deliveries pa ba tayong hinihintay ngayong araw? Kung mayroon pa, pwedeng ikaw na muna ang bahala. Kailangan ko na kasing umalis, eh."

"Wala na, Kuya. Pero uuwi ka na?" He glanced at the time piece on his wrist, then gazed back at him. "Medyo maaga pa, ah. Is everything okay? May emergency ba?"

"No, wala naman. It's just that hahabol ako sa inter school na sinalihan ng mga bata. Baka maabutan ko pa ang awarding."

That made him stood up. "Ngayon na 'yon? 'Di ba kasali rin si Zia do'n?" medyo gulat niyang tanong.

Tumango lang si Andres.

"Teka, Kuya... sasama ako."

* * *

Pinasadahan ng mataray na tingin ni Selene si Dale na saktong bumababa pa lang mula sa kotse nito bago niya itinuon ang atensyon sa kaniyang bayaw. "Kuya, anong ginagawa n'yan dito? Bakit nandito 'yan?" pabulong at medyo iritableng tanong niya sabay humalukipkip pa.

"Gusto niyang sumama, eh. Hinayaan ko na tutal siya naman ang tatay ni Zia."

Umiling-iling na lang siya sabay nag-iwas ng tingin kay Dale na ngayon ay naglalakad na papunta sa pwesto nilang magbayaw.

"Hi, Selene," Dale instantly greeted as soon as he stood near her. "Pasensya na walang pasabi. I hope you don't mind me being here for our daughter."

She just gave him a blank stare. Wala naman na siyang ibang magagawa.

Tumikhim naman si Andres pagkatapos ng maikling sandali. "Alam n'yo parang awarding na yata talaga. Kaya siguro dapat pumasok na tayo para maabutan pa natin ang mga bata na tanggapin ang awards nila. Feeling ko mananalo talaga silang dalawa, eh," pagwiwika pa nito pagkatapos magpalinga-linga sa paligid.

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon