Chapter 18

943 115 65
                                    

"Zia, nandiyan na yata ang Papa mo. Lumabas ka na para hindi na siya pumasok dito," Selene said when they heard the doorbell rang. "Mag-iingat ka at sabihin mo sa tatay mo na iuwi ka niya dito sa bahay ng alas siete."

Pagkatapos magpaalam at yumakap sa ina, binitbit na ni Zia ang mini backpack na gagamitin niya ngayong araw at saka na siya naglakad palabas ng bahay.

Maaliwalas ang mukha at matamis ang ngiti niya ngayong araw na 'to dahil masaya siya.

Sa bagay, sino ba namang taong katulad niya ang hindi sasaya kung sinabihan siyang ipapasyal siya sa isang art museum ngayong araw? At oo, iyong pagpunta lang sa art museum ang tanging dahilan kung bakit pumayag siyang makasama na naman ang biological father niya ngayon. She was anticipating the arts that she'll be able to see in that place, not the quality time she'll spend with her father.

Kaya lang, natigilan at napakurap-kurap siya nang buksan na niya ang gate. Hindi kasi ang biological father niya ang nakita niyang nakatayo sa tapat ng gate. Obviously, it was someone else she wasn't actually expecting.

Sa halip na si Dale, isang mala-anghel na chinitong lalake ang bumungad sa kaniya. Nakasuot pa nga ito ng itim na cap, sunglasses, off white na polo shirt, dark blue na pantalon at puting golf shoes.

She recognized the man in just one glance. She knew she already met him before and it'll be a shame if she wouldn't recognize his angelic face and soft baritone voice. But who wouldn't recognize David Chen, anyway?

"Hi," he greeted with a sweet smile.

Nginitian rin siya ni Zia pero masimple rin niyang pinasadahan ng tingin ang hawak nitong isang bouquet ng pink and white tulips bago siya nagdesisyong ibuka ang bibig niya para magsalita.

"Hello po!" she greeted back. "Napadalaw ka po? Halika po, pasok ka," she continued and opened the gate wider for him to go in.

"Nandiyan ba ang Mama mo?" tanong naman ni David sa halip na humakbang papasok sa gate.

"Opo. Bakit po, aakyat kayo ng ligaw?"

Kitang-kita sa mukha ni David ang pagkagulat dahil sa itinanong ni Zia. Para siyang biglang binuhusan ng malamig na tubig. Bukod pa roon ang unti-unting pamumula ng pisngi niya.

Zia then laughed a little. "Joke lang po. May flowers ka po kasi. Para kay Mama po ba 'yan?" she stated like a curious kid.

"Yeah," mabilis na tugon ni David na tila ba medyo nakahinga na ng maluwag. "Actually, meron ka rin. Here..." Marahan nitong inilabas ang isang pink na tulips na nasa isang flower wrapping paper rin at iniabot iyon kay Zia.

"Wow! Para sa 'kin po ba talaga 'to?"

"Oo naman," David affirmed. "Nabalitaan ko kasi na nanalo ka sa isang editorial cartooning contest so I would like to congratulate you with this flower."

She giggled and took the flower. "Thank you po."

"You did great daw sa contest."

"Syempre, mana sa Mama," she said, giggling. "Ayy, halika na po. Pasok na na. Nasa loob po si Mama."

Tumalima na si David sa sinabi ni Zia sa puntong 'yon. He stepped inside the premises and let the young lady to lead him inside the house to meet Selene. And as they enter the front door, they instantly spotted Selene sitting on the sofa with an iPad and an Apple Pencil in hand. Mukhang busy ito sa pagda-drawing sa iPad niya.

"Mama," Zia called cheerfully.

Selene instantly looked up and turned her head to her daughter the moment she heard her voice. "Oh, Zia. Hindi pa kayo nakakaalis—" But then she instantly paused when she noticed David standing beside her unica hija.

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon