Chapter 33

550 48 42
                                    

Natigilan ang masayang kwentuhan nina Dale at Zia nang marinig nila ang pagbukas ng front door. Sabay rin silang lumingon sa direksyon ng pinto kung kaya't pareho nilang nakita ang pagpasok ni Selene.

"Mama." Nagmadaling tumayo si Zia para salubungin ang kaniyang ina. "Bakit hindi ka po namin ma-contact kanina? Kay Sir Dale na lang tuloy ako nagpasundo. Si Saph kasi lumabas pa kasama ng mga barkada niya, eh," pagwiwika pa niya.

"Sorry, anak. May mga importante kasi akong inasikaso today. Naiwan ko rin ang phone at iPad ko sa kotse kaya hindi ko nasagot ang texts at tawag mo."

At nang lingunin siya ni Selene, tumayo na rin si Dale mula sa sofa na inuupuan niya. "Uhh, nagpasundo siya tapos sinamahan ko na muna dito kasi wala pang ibang tao sa bahay n'yo. Okay lang ba 'yon, Sel?" tanong niya.

Tumango naman si Selene. "Salamat, Dale," mahinahong sambit niya. "Pero nandito na ako kaya makakaalis ka na."

"Right..."

Selene then gazed back at Zia who was just standing few inches away from her. It took a her only a split second to notice that her daughter was still in her uniform and still wearing her protective glasses. "Zia, umakyat ka na rin sa taas at magbihis ka na," she said, smiling.

Nang marinig naman ni Dale ang utos na iyon sa kanilang anak, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Iyon na kasi ang signal para um-exit na siya, kaya naglakad siya papunta kay Zia para magpaalam na. He was able to give his daughter a peck on the top of her head before saying goodbye and reminding her a few things. Positive naman ang naging response ni Zia, kaya kay Selene naman siya nagpaalam bago tuluyang dumako sa direksyon ng pinto.

Sa kabilang banda naman, nagtungo na rin si Zia papunta sa hagdan. Habang naiwan si Selene sa kung saan siya nakatayo kanina.

Dale was about to reach for the doorknob when he unexpectedly heard Selene call him by his name.

Agad niya itong nilingon. "Yes?"

Selene blinked then she drew in a deep breath. "What if..." she said but then she stopped.

"What if?"

She looked him in the eye. "What if ibenta na natin 'yong bahay... natin?" she finally asked.

Parang biglang binuhusan ng malamig na tubig si Dale sa narinig. "T-teka naman..." he stuttered. Napalunok rin muna siya bago niya nagawang kumilos. "Bakit? Mayaman ka naman na, 'di ba? Hindi mo na kailangan ng pera," pagwiwika pa niya habang naglalakad papalapit kay Selene.

"Eh, sayang lang kasi," Selene replied in a monotone. This time she avoided his gaze.

"Selene, hindi 'yon sayang," pagdiriin niya. "Ipapamana pa natin 'yon sa anak natin, eh. At saka dapat nga doon kayo nakatirang dalawa dahil para sa inyong mag-ina 'yon."

She sighed. "So... ayaw mo pa ring ibenta?"

"Ayoko."

There was a long pause.

Nagkatitigan lang silang dalawa.

"Okay..." Dale decided to break the silence after a few moments. "Kung gusto mong ibenta ang share mo sa bahay na 'yon, ako ang bibili. Magkano ba ang presyong gusto mo?" he stated as he placed both his hands on his hips.

She instantly looked away when she heard him asking for a price in exchange of her share. Ang totoo kasi, hindi na niya alam ang tamang presyo ng share niya sa bahay na 'yon. At higit sa lahat, hindi naman pera ang dahilan kung bakit naisip niyang ibenta na lang ang bahay na naipundar ni Dale para sana sa pamilya nila.

"Sel..."

She almost flinched when she unexpectedly felt his gentle grip on both of her arms.

"Look at me, please?"

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon