Habang abala ang lahat na pinagsasaluhan ang mga nakahandang dessert at masayang kwentuhan, tahimik na kumuha ng isang slice na carrot cake si Dale at isinalin 'yon sa isang maliit na pinggan. Hindi rin niya nakalimutang kumuha ng tinidor. Pagkatapos, pasimple siyang pumuslit papunta sa second floor ng bahay ng Kuya Andres niya.
Oo, nandito siya ngayon sa Sanchez-Montecarlos residence dahil naimbitahan siyang makisalo sa simpleng dinner na inihanda nina Pristine at Lianna para i-celebrate ang pagkapanalo nina Zia at Sapphire sa Press Conference.
Maging ang nanay nga niya ay nandito rin. Selene invited her over, marahil ay para maging mediator nila at para maiwasan ang unnecessary conflict.
Well, mukhang nakatulong naman ang presensya ni Mama Clarisse dahil hanggang sa mga oras na ito ay nakakaya naman ng lahat na maging civil sa isa't isa.
Everything seemed to be alright. Kaya lang napansin niya na kanina pa umakyat sa second floor si Selene bitbit ang wine glass niya at hanggang ngayon ay hindi pa siya bumababa.
He wanted to check on her.
Good thing, he was able to spot her the moment he set foot on the second floor.
She was there on the wide balcony and looking out on the charcoal sky while standing in a forty-five degree angle and sipping wine.
Bakit nandoon siya? Samantalang nasa baba ang lahat at nagkakasiyahan.
Maybe she wanted to take some time alone?
Huminga siya nang malalim.
Pero nagdesisyon rin siyang dahan-dahang maglakad papunta sa balkonahe para lapitan si Selene. Hindi naman siya magtatagal doon kaya hindi naman siguro siya makakaistorbo.
He gently knocked on the open glass door to catch her attention.
Agad naman siyang nilingon ni Selene. She seemed to be confused and clueless when laid her eyes on him.
Nginitian naman niya si Selene. "Dinalhan lang kita nitong carrot cake na binili ko. Baka kasi maubos na ni Zia at 'di mo matikman. So here..." he casually said as he handed the plate of cake to her.
Pinasadahan lang ng tingin ni Selene ang slice ng cake na ibinibigay niya.
"Hey, masarap 'to. You should try it." He kept on smiling. "Si Zia nga halos ito na lang ang kainin niya nang matikman niya, eh. Gustong-gusto niya."
She quietly took the plate from him.
Agad namang napansin ni Dale na hawak pa rin ni Selene ang wine glass niya nang kunin nito ang plato mula sa kaniya. "Hey, here... let me hold that glass," marahang sambit niya sabay kinuha niya ang wine glass para makakain ito nang maayos.
"Sweet tooth si Zia," she suddenly said.
"Yeah."
"Pero cakes ang pinakagusto niya."
"Really?"
Tumango si Selene sabay isinubo ang maliit na cake slice sa tinidor niya.
"Well... parang ikaw lang no'n noong buntis ka pa sa kaniya," nakangiting sambit niya. "'Di ba? Cakes ang pinaglihian mo. Dapat tuwing uuwi ako galing sa office may dala akong cake kasi magagalit ka kapag wala. Naalala mo?" dagdag pa niya sabay tumawa siya ng bahagya.
Selene looked at him in the eye. "Hindi," she coldly replied.
He was taken aback.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...