Chapter 2

1.5K 168 143
                                    

Para bang natangay si Selene sa napakaraming what ifs na biglang namutawi sa isipan niya. Hindi tuloy niya namalayan na kanina pa niya tinititigan ang babaeng kasama at kausap ng pamangkin niyang si Sapphire. Kaya halos mapatalon siya sa gulat nang bigla na lamang lumingon ang dalawang teenager sa direksyon niya. Wala na tuloy siyang choice kundi ang ibaling ang tingin niya kay Sapphire sa puntong 'yon.

"Tita Selene! You're home na?" medyo nagtatakang tanong ni Sapphire ng magtama ang tingin nila.

"Ah, yes."

Unti-unting lumaki ang ngiti ni Sapphire nang marinig niya ang simpleng salitang 'yon. Mabilis din siyang tumayo mula sa silya niya at matuling tumakbo para yakapin ang Tita Selene niya. "What a great timing, Tita! Saktong-sakto, I want you to meet someone," excited niyang sambit.

Tila nagulat naman ang kasama ni Sapphire nang marinig niya ang sinabi ng kaibigan, kaya bigla siyang napatayo mula sa inuupuan nito. Medyo nanlaki pa nga ang mga mata nito nang muli silang magkatitigan ni Sapphire. Kitang-kita rin kung paano ito lumunok pagkatapos nitong ilagay ang mga kamay niya sa likuran niya.

And as for Selene, she tried her best to remain calm and composed even though ever heart was really racing inside her. She also put on her sweetest smile as she didn't want to intimidate anyone.

"Tita Selene, I want you to meet my new friend, Zia. She's so pretty, 'di ba? And just like us, she's artistic, too. Kasama ko rin siyang magco-compete for this year's campus journalism for editorial cartooning category!" Magiliw na hinila ni Sapphire si Selene palapit sa kaibigan niya habang wala siyang patid sa pagsasalita. "And Zia, this is Tita Selene. She's my favorite Tita and the woman behind Margaux Jewels."

Sa wakas, muling naituon ni Selene ang atensyon niya sa kaibigan ng pamangkin niya. At kahit mukhang nahihiya ito sa kaniya, inilahad pa rin niya ang kamay niya para sa isang shake hands. "Hello, Zia. Nice to meet you," she sweetly said with her most gentle tone.

Zia's chest rose and fell as she took a deep breath. She kept her timid smile and shook Selene's hand.

But for Selene, she instantly felt something whimsical as soon as Zia touched her hand. Hindi niya maintindihan kung bakit tila ba mayroong biglang nagising sa loob-loob niya. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya sa mga sandaling iyon. She didn't know if she was just enchanted to meet such a lovely young lady like her or there was something more with her touch; with her presence.

At dahil mas inuna niya ang naramdaman niya, hindi na tuloy niya nabatid ang mga salitang sinambit ni Zia. Bumalik lang siya sa realidad nang bitiwan na nito ang kamay niya.

"B-bakit ngayon ka lang?" Those words unintentionally slipped from her mouth as she kept her straight gaze to the young lady.

"Po?"

She suddenly felt a slight panic in her nerves when she saw confusion on Zia's angelic and innocent face. "Uh, I mean... ngayon lang kasi talaga kita nakita, so I was wondering—"

"Cause, Tita..." Sapphire suddenly butted in. "She's a transferee. Kaka-transfer niya lang sa school this school year."

"Really? That's nice."

"Actually, kaya lang po ako nakapag-transfer dito sa school kasi po nabigyan ako ng scholarship. Kung wala pong scholarship 'di ko po afford ang ganito ka-prestigious na school," Zia timidly said, instantly clarifying that she did not came from a well off family.

Mula kay Selene, lumipat naman si Sapphire kay Zia at inakbayan ito habang nakangiti pa rin ng pagkalaki-laki. "Oh, 'di ba, Tita? Ang galing-galing niya."

"Uy, hindi naman," bulong naman ni Zia.

"No, you are."

Pinakitaan ulit ng mahinhing ngiti ni Zia si Selene. Magsasalita pa sana siya pero biglang nag-beep ang cellphone niya. Agad naman siyang nag-excuse para kunin ito at tingnan kung ano ang notification.

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon