Wala talagang hindi kayang gawin si Selene para sa anak niya. Kasi kahit hindi siya komportable na payagan at samahan si Zia sa pagpasyal nito sa dati nilang tahanan pero ginawa pa rin niya.
Zia doesn't even know how she really feels. She didn't tell her. Alam kasi niya na malamang ay ma-a-upset lang si Zia kapag nalaman nito kung ano ang talagang nararamdaman niya. At ayaw na ayaw niyang mangyari 'yon kung kaya't nag-go with the flow na lang siya, ika nga.
"Mama, medyo may kaliitan pala 'tong bahay natin, 'no?" Zia remarked—with her eyes roaming around the area—as she waited for her mom to completely unlock the front door.
It was a seventy-five square meter, two storey apartment type house. Maliit lang talaga kumpara sa bahay na tinitirhan nila ngayon pero pwede na para sa isang maliit na pamilyang nagsisimula pa lang sa buhay.
"Oo," Selene affirmed while twisting the key on the keyhole of the doorknob. "Ito lang kasi ang nakayanang ipundar ng tatay mo no'n. Sa pagkakaalala ko nga, umutang pa siya sa Lola Clarisse mo ng pera para makumpleto ang pambayad niya dito sa bahay," she continued, pushing the door open.
Nagkatinginan muna silang mag-ina pagbukas ng pinto. No words were uttered in that moment but their eyes clearly showed that they were contemplating which of them should go in first.
Pero nginitian rin ni Selene ang anak. "Come on in," she said sweetly.
Walang salita rin namang naglakad si Zia patungo sa pinto at papasok ng bahay. Ngunit kagaya ng inaasahan na, natigilan siya nang makatapak na siya sa loob. Napasinghap muna siya bago iginala niya iginala ang kaniyang mga mata sa paligid.
She was right. It was indeed a small house. Mula kasi sa kinatatayuan niya, kita na niya ang kabuoan ng sala. Maayos pang nakapwesto ang isang gray na three seater sofa sa harap ng isang rectangular wooden coffee table. Sa pwesto pa lang ng dalawang iyon, alam na niyang TV dating nakalagay sa estante ilang hakbang mula roon.
Mula rin sa kinatatayuan, kita na niya ang pinto sa gilid sa may 'di kalayuan. Pakiramdam niya iyon ang banyo ng bahay na ito.
Sa kanang banda naman ng bahay, makikita na ang isang four seater dining table and chair. At kung papasok ka pa sa bandang iyon, naroon malamang ang isang maliit na kitchen. Habang sa kaliwang banda naman nakapwesto ang L-shaped corner stairs na siguradong papunta sa second floor ng bahay.
Nang makita nga niya hagdanan, tila umakyat rin ang mga mata niya papunta sa taas. She looked up to the second floor. At kahit hindi na niya naaalala, sigurado naman siyang naroroon ang dalawang kwarto: ang kwarto niya at ng parents niya.
"So... this was our home," Selene said, breaking the deafening silence around the house. Huminga pa nga siya nang malalim bago itinuon ang kaniyang atensyon kay Zia. "Do you recall anything, anak?" she asked hesitantly.
Zia didn't respond. Talagang nakatingala lamang ito at nakapako ang tingin sa gawi ng ikalawang palapag.
That made her sigh. "Probably wala kasi three years old ka pa lang no'ng huli kang tumapak dito, eh," she remarked, clasping her hands together. "Nag-beach lang tayo noon tapos hindi ka na nakauwi..."
"Mama..." Zia finally gazed at her. "...It feels like home. Ang weird, wala akong matandaan na memory sa bahay na 'to pero parang alam ng heart ko na ito ang home ko before," she said with a timid but genuine smile.
"Talaga?"
Tumango siya.
Doon na muling ngumiti si Selene. "Ay, may ipapakita ako sa 'yo," sambit pa niya bago naglakad papunta sa estante. "Nandito pa ang mga laruan mo. Itinabi ko talaga ang mga 'to," saad niya sabay kinalkal niya sa mga selves ang sinasabi niyang mga laruan.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...