Kinabukasan, nagpasya rin si Dale na bumalik sa bahay na tinutuluyan nila ni Arianne.
Arianne was there. Agad siya nitong sinalubong. "Babe! Finally you're home. Galit ka pa ba sa 'kin? Let's talk—" she said with hopeful eyes but was immediately cut off by him.
"I just came here just to get a few things; hindi para makipag-usap sa 'yo," he coldly stated while walking up the stairs. Kahit hindi naman siya nagmamadali, binilisan niya ng kilos at lakad niya. Ni hindi rin niya magawang tapunan ng tingin si Arianne.
Nevertheless, she still trailed behind him. "Babe, we really have to talk na. Simpleng misunderstanding lang namam 'to. Let's not make a big deal out of it, please."
"Simpleng misunderstanding?" Huminto siya sa paglalakad para lang tapunan ng masamang tingin si Arianne. "Nag-aaway tayo ngayon kasi tinawag mong bitch ang anak ko and you tried to sabotage my life. You think this is just a simple misunderstanding?" he questioned, upset obviously.
Napasapo naman si Arianne sa sintido nito sabay buntonghininga. "I'm sorry, okay? I admit, I was out of line and rude. I promise na hindi na mauulit. Kaya, please magbati na tayo, babe."
Umismid lamang siya at saka na tuluyang pumasok sa kwarto nilang dalawa. Kumuha agad siya ng malaking duffle bag at isa-isang isinilid doon ang ilan sa mga damit at gamit niya.
"Babe, what are you doing?!" gulat na tanong naman ni Arianne nang makita nito ang ginagawa niya. Kita sa mata nito ang takot at pangamba. "Don't tell me you're leaving me..."
"Doon na muna ako kay Mama. I can't share the same space with you for now."
"No..."
Hindi na niya binigyan pa ng pansin si Arianne. Basta itinuloy lang niya ang pa-eempake niya.
"Babe..." Arianne then walked up to him and hugged him from behind. "Please don't do this to me. Magbati na tayo. I will do anything you want... anything," malamyos pa niyang pakiusap.
Mabilis naman siyang kumalas sa kaniya. "Get away from me, will you?" inis na sambit niya. "Kailangan kong mag-isip, kaya hayaan mo na muna ako. Mamaya kung ano pang masabi ko sa 'yo dahil sa galit ko tapos kay Selene at kay Zia mo pa ibunton ang sama ng loob mo kapag nasaktan kita."
Natahimik at napayuko na lamang si Arianne.
He then continued packing his things when she did not say a word. Mukhang sa punto ring iyon ay sumuko na si Arianne dahil hindi na siya nito pinigilan pa. She just stepped aside and watched him.
As for him, he moved swiftly as possible. Hindi na niya inalintana pa ang mga matang nakatitig sa kaniya. He wanted to get out there as soon as possible, kung kaya't nang matapos na siya sa pag-eempake ay agad niyang binitbit ang duffle bag. Aalis na rin sana siya, kaya lang aksidente niyang naigiya ang kaniyang paningin kay Arianne na hanggang ngayon ay tahimik lang.
He drew a deep sigh. "Aalis na ako. Next time na lang tayo mag-usap," malamig na pagwiwika niya bago niya tuluyang nilisan ang bahay nila.
He drove back to his mother's house after that. Bukod kasi sa iuuwi muna niya ang mga gamit niya doon, naisip rin niyang magbihis ng office attire dahil pwede pa siyang pumunta sa opisina para asikasuhin ang trabaho niya sa halip na ipagpatuloy ang leave niya ngayong araw.
"Huwag mong sabihing you're really moving in with me," bungad ng nanay niya pagpasok niya sa front door. She's stepping down the stairs. Mukhang papapalis nga ito dahil may bitbit rin siyang maliit na bag.
"Pansamantala lang naman, Ma."
"So hindi pa kayo nagkakaayos?" she intrigued.
Hindi siya sumagot. Yumuko na lamang siya ng kaunti.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...