Chapter 49

191 14 14
                                    

Selene could only heave an exasperating sigh when she saw how the clock strike midnight. Nagawa na kasi niya ang lahat ng pwede niyang gawin para lang makatulog, pero heto pa rin siya't gising na gising ang diwa.

Mailap na naman ang antok sa kaniya. Sa puntong ito nga'y nagtataka na siya dahil pareho naman silang nakausap ni Dale, pero masarap na ang tulog ni Zia. Nakayakap pa nga ito sa isa sa mga stuffed toy niya't tila nakangiti na animo'y hindi humagulgol ngayong araw.

She suddenly exhaled and shut her eyes for a moment as the scenes from today played back on her mind.

Younger Selene would've jumped in happiness when she found about that the love of her life fell in love with her all over again, because after everything that happened, that's what she ever wanted. But she's not that person anymore. Ngayon, wala siyang ibang nararamdaman kundi galit at inis.

Sa tingin talaga ni Dale, gano'n-gano'n na lang 'yon? Magloloko siya at aabandonahin ang pamilya niya para magpakasaya sa piling ng iba, pagkatapos kapag nagsawa na siya't hindi na masaya sa buhay niya, aamin siyang na-fall in love ulit siya tapos hihingi ng chance?

Nakakatawa siya. Nakalimutan yata niya na matagal na silang annulled at siya mismo ang may kagustuhan no'n.

Kahibangan na sigurong maituturing kung magkakabalikan pa silang dalawa.

"Ang gago," mahinang sambit pa niya nang maalala niyang hindi pa nga yata nakipag-break ang ex-husband niya sa current partner nito.

Ngumisi siya at napailing-iling.

"Gusto pa yata niyang magkagulo kami ni Arianne," bulong pa niya.

She's been dealing with that insecure woman for years now. Sa totoo lang, pagod na siya. Marami na siyang pinagkakaabalahan ngayon at ayaw na niyang dumagdag pa doon ang gulo sa pagitan nilang dalawa ni Arianne.

And then, she unexpectedly yawned.

Sa wakas, ito na yata ang antok na kanina pa niya hinihintay.

"Makatulog na nga," aniya sa sarili bago gumiya palapit kay Zia.

She gave her daughter a good night peck on the temple and made sure she was properly covered with the blanket before she settled on the bed beside her.

She let out a sigh of relief after lying down comfortably, then she slowly closed her eyes.

Hinayaan niyang unti-unti siyang lamunin ng antok hanggang sa makatulog na nga siya.

"Mama..."

Was she dreaming? Parang naririnig niya ang pagtawag ni Zia sa kaniya. Mahina lang iyon pero hindi siya sigurado kung saan nagmumula ang boses nito. All she could she was blank.

"Mama?"

Unti-unti niyang nararamdaman na parang may mahinang yumuyugyog sa kaniya. Ramdam niya ang magaang kamay sa may braso niya.

"Ma?"

"Hmm?" she mumbled. Ngayon alam na niyang hindi siya nananaginip, pero ayaw pa rin ng sistema niya na imulat niya ang kaniyang mga mata.

"Mama, gising ka," mahinang sambit pa ni Zia.

"Bakit?" mahina pa niyang sambit sabay unti-unti na siyang dumilat para tingnan kung ano ang nangyayari sa paligid niya.

She instantly laid her eyes on Zia, who was too close to her. Sa totoo lang, mukhang napilitan lang na gumising ang anak niya dahil kitang-kita sa mga mata nito ang antok.

"May tumatawag po sa 'yo."

"Huh?"

"Kanina pa po nagri-ring ang phone mo."

Agad siyang napabaling sa bedside table kung saan nakalapag ang cellphone niya. Doon lang niya napagtanto na kaya nakikita niya ng medyo malinaw si Zia ay dahil naka-on ang screen nito. Kapansin-pansin rin na wala itong tigil sa pag-vibrate.

Umupo tuloy siya at mabilis na kinuha ang cellphone sa bedside table. Upon grabbing the phone, she instantly saw her Mama Clarisse's name on the screen. Napansin rin niya na pasado ala una palang ng madaling araw.

Medyo nakapagtataka na tumatawag ang kaniyang mother-in-law ng ganitong oras. Nakakapag-alala, kaya naman hindi siya nag-atubiling sagutin ang tawag.

"Ma?" bungad niya.

"S-Selene..." She heard a very familiar voice on the other line and as soon as she heard that, her heart started pounding. Pangalan lang naman niya ang binigkas ng kaniyang Mama Clarisse pero bigla siyang kinabahan sa paggaralgal ng boses nito.

"Ma?" pag-uulit niya. Ngayo'y nakakunot na ang kaniyang noo. "Are you okay?"

"No..."

"Napano ka, Ma? May problema ba? What's happening?"

Sa tabi niya, muling napabagon si Zia. "Mama, si Lola Clarisse ba 'yan? Okay lang po ba siya?" nag-aalala ngunit mahinang tanong rin nito sa kaniya.

Sinenyasan muna niya si Zia na tumahimik dahil gusto niyang marinig nang mabuti ang nasa kabilang linya.

"Pupunta ako sa ospital," naiiyak na sambit ni Clarisse.

Doon siya naalerto.

"Mama, what's happening? May masakit ba sa 'yo?"

"Dalhin mo 'ko sa ospital, Selene."

"Oh my god," she almost exclaimed as she jumped out of the bed. "Ma, wait mo lang ako. Pupuntahan kita..."

"Come quick..."

"Yes, yes!" tarantang sambit niya. "Ma, huwag mong ibababa ang tawag, okay? Mabilis lang ako."

"Selene..." Clarisse cried, this time a little bit hysterical.

"Anong nararamdaman mo, Ma? Tell me. May masakit ba sa 'yo?"

Sa totoo lang, sa sobrang pagkaaligaga hindi na niya alam kung magbibihis pa ba siya at mag-aayos o tatakbo na sa labas, sasakay sa kotse at magmamaneho nang mabilis para puntahan ang kaniyang mother-in-law.

"Mama, ano pong nangyayari?" Maging si Zia ay napabangon din pero hindi na niya pinansin pa ang tanong nito.

"Ma? Are you still there? Anong nararamdaman mo?" aligagang tanong pa niya.

"I'm fine..."

"Then what's the matter, Mama? Bakit ka nagpapadala sa ospital?"

"I received a call from the hospital, Selene," Clarisse cried, her voice trembling. "They told me na dinala doon si Dale..."

And suddenly the world stopped for her.

"W-what?" she uttered, almost losing her voice as she felt a terrifying coldness on her hands.

"I still don't know what happened or what caused this but they told me na may serious injuries siya."

"Oh, god..." Napatakip siya sa kaniyang bibig gamit ang isa pa niyang kamay.

"Please, Selene... take me to the hospital. Kahit ihatid mo lang ako. I have no one right now. I need to see my son."

Noong una, hindi niya mawari kung bakit biglang nanikip ang dibdib niya pero biglang nag-flashback sa kaniya kung anong mga salita ang ibinulalas niya kay Dale bago niya ito layasan sa kaniyang opisina kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon