"Babe? Hey, babe, wait up!"
Kahit late na si Dale sa kaniyang pupuntahan, hindi pa rin siya nag-atubiling huminto at lumingon sa direksyon na pinanggalingan ng tinig ni Arianne, ang babaeng pinakamamahal niya. Paglingon niya, nakita na niya itong nagmamadaling tumatakbo papunta sa kinaroonan niya. Hawak pa nga nito ang kaniyang cellphone na naka-on pa ang screen.
"Oh, Babe—"
"Babe, have you seen this?" she instantly asked, cutting him off.
"Ang alin?"
"This." She went closer to him and showed what was on the screen of her cellphone.
Kunot-noo naman niyang iginiya ang mga mata niya sa screen para makita kung ano nga ba ang tinutukoy ni Arianne. And apparently it was a tweet she wanted to show him. Binasa naman niya kung ano ang nakasulat doon.
"I think that's not true naman, babe. Baka si Selene lang 'yan kasi gusto niyang magpapansin," tahasang wika ni Arianne. "Sabihan ko nga ang sister niya na ipa-check ulit siya sa psychiatrist. She's getting so delusional again,. Right, babe?"
Pero tila walang narinig si Dale dahil nakapako pa rin ang mga mata niya sa screen. Parang bigla siyang hinila papunta sa inang dimensyom dahil talagang nakatulala ito at hindi nga kumukurap.
Madali siyang tinapik ni Arianne sa balikat. "Babe!" malakas nitong tawag. She even crossed her arms on her chest when he finally glanced at her. "Right?"
"Babe, this is the first time na may ganitong balita about kay Margaux," wika niya habang pinipigilang sumambulat ang kung anumang bigla niyang naramdaman sa loob-loob niya pagkatapos niyang mabasa ang simpleng tweet na 'yon.
Her brow shot up upon hearing what he said. "So?" mataray nitong sambit habang nakahalukipkip pa rin. "Babe, don't tell me you believe that mere chika. Pinakita ko lang sa 'yo 'yan to give you a heads up. Baka mamaya guluhin na naman tayo ng delusional mong ex-wife."
He sighed.
Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin kay Arianne. Hindi nga rin niya mapaliwanag ang nararamdaman niya sa mga sandaling 'to. He was just so dumbfounded that his mind couldn't seem to function that well.
"Babe?" she called again.
"I'll call Mama." Iyon ang lumabas sa bibig niya. Mukhang iyon lang din ang kaya niyang gawin kung hindi niya ipagsasawalang-bahala ang nabasa niya. "For now, I need to go. I'm already late at ako lang ang mag-i-inspect sa mga bagong deliveries dahil wala si Kuya Andres," saad niya.
"Where's he?"
Nagkibit-balikat siya. "I don't know. He told me na may mga personal na bagay lang siyang kailangang asikasuhin." Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. He managed to cup her face with his gentle hands as he gave her a sweet goodbye kiss on the lips. "I'll go ahead. See you later, ha? I love you," he said, smiling.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...