Dalawang linggo na ang nakalilipas mag mula nang hauling makita at makasama ni Dale ang anak niya.
Parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin
Okay na sila, eh. Everything was starting to fall into place. Alam na niyang hindi na mabigat ang loob ni Selene sa kaniya dahil hindi na sila nagtatalo at mas nakakapag-usap na sila nang maayos tungkol sa mga bagay-bagay. Nararamdaman na rin niyang mas napapalapit pa si Zia sa kaniya at mukhang tinuturing na siya nito bilang kaniyang ama. Pakiramdam nga rin niya'y hindi na magtatagal at matatawag na siya nitong 'Papa'. Pero sa isang iglap lang, parang dumistansya na naman ang lahat sa kaniya.
He doesn't know why.
Hindi pa ba nakaka-get over si Selene sa galit niya dahil hindi sila nagpaalam na pupunta siya sa dati nilang tahanan noong araw na 'yon?
Dahil ba sa pagbabalik ni David?
Well, everyone was just telling him that Zia got too caught up with her school works and needed to focus on her studies for the meantime. Iyon rin ang idinadahilan ni Zia kapag hindi nito nasasagot ang mga tawag niya o kaya nama'y nale-late itong mag-reply sa messages niya. Pero hindi naman iyon ang nakikita niya.
Alam niyang active si Zia sa social media dahil palagi pa nga itong nagpo-post ng random sketches niya sa art account nito. Naka-post rin ang pagbisita ni David sa bahay nila noong mga nakaraan; pati na rin ang pag-out of town nila sa isa sa mga resort na pag-aari ng pamilya Chen nitong weekend. Kaya napapa-overthink na siya.
Ano na naman ang kasalanan niya?
Bakit hindi siya makasingit kahit kakarampot na oras lang para makasama ang anak niya?
Galit na naman ba si Selene sa kaniya?
He couldn't really figure it out.
But he knew he needed to know what's really happening. Para naman alam niya kung may itatama ba siya o babaguhin o iiwasan para muli na niyang makasama ang prinsesa niya.
Kaya naman, hindi pa man pumapatak ang alas siete ng umaga ngayong Lunes, naririto na siya sa harap ng bahay nila Selene at nagdo-doorbell. Umaasa siyang pagbubuksan siya ng kahit na sino sa mga nakatira roon.
Hindi naman siya nabigo. Nakakailang pindot pa lang kasi siya sa doorbell ay bahagya nang bumukas ang gate.
It was Selene.
Kagaya niya, naka-office attire na rin ito.
"Dale? Anong ginagawa mo dito?" bungad nito sa kaniya na mukhang nagtataka pa.
"Uh, I messaged you kanina. 'Di mo ba nabasa?"
"Hindi."
"That's okay." He smiled reassuringly. "I was just asking kung may maghahatid ba sa mga bata sa school today."
Selene was swift to answer. "Meron. Ako."
Medyo cold ang tinig at tingin ni Selene sa kaniya kaya napahugot siya ng isang malalim na hininga. He put his hands in his pockets and tried to smile friendlier. "Pwede bang ako na lang ang maghatid sa kanila today?" he asked.
"Ako na lang. May pag-uusapan pa kami ng on the way to school."
"Ahhh..."
Tiningnan lang siya ni Selene ng diretso sa mata. Hindi siya sigurado pero sa klase ng tingin nito para na rin nitong sinabi na umalis na siya.
"How about sundo, Sel? Pwede bang ako na lang sumundo sa kanila mamaya?" Nilakasan talaga niya ang loob niyang magtanong pa.
"Ako na lang. Hindi naman ako busy today," she nonchalantly replied.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...