30

8 0 0
                                    

"Hoy, maylabs!"

Natauhan nalang ako sa pagtapik ni Waden sa braso ko.

"Ha?"

"Ba't tulala ka? 'Di ka pa ba papasok sa bahay niyo?" Lumapit siya sa 'kin. "May problema ba? Parang kanina pa kita napapansin, e."

Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko lang siya.

"Waden," umpisa ko. "Nakita ko siya kanina."

Napatigil naman siya, halatang nagulat. 

Hinila naman ni Waden 'yong kamay ko saka niyakap ako.

"Maylabs, mas makabubuti talaga sa 'yo kung sasama ka na sa Papa mo sa lugar nila."

Napahiwalay naman ako sa kanya.

"E, paano ka?" Napasimangot ako. Ginulo niya naman 'yong buhok ko.

"Baliw ka, maylabs, alanganamang sumama pa ako sa 'yo," natatawa niyang sabi. "Okay lang ako. Mas magiging masaya ako kung wala 'yong gagong 'yon sa paligid mo," dagdag pa niya habang nakangiti tapos biglang pinindot 'yong ilong ko.

Napangiti nalang ako ng pilit.

Minsan nagi-guilty ako. Dumating lang ako sa buhay niya tapos biglang nasira 'yong friendship nila ni Erel. Hindi niya naman ako sinisisi pero alam ko namang kasalanan ko talaga.

Napabuntong-hininga nalang ako habang papasok sa bahay.

***

Kinabukasan nagising ako dahil sa tunog ng cell phone ko. Walanghiya, ang aga-aga pa. Sino kayang tatawag ng alas tres ng madaling araw—

Oh, well, si Guadencio lang naman.

"Bakit ba?" asar na tanong ko habang nakapikit.

"Sasabihin ko lang na may pupuntahan kami mamaya—"

"Waden, naman! Hindi mo naman kailangang magpaalam pa sa 'kin. Pakialam ko naman, at saka kay Riley ka magpaalam utang na loob! Friends lang tayo, oy! Baka akala mo—"

"Oo na! Oo na, maylabs! Hindi niya kasi sinasagot 'yong tawag ko. Ikaw na magsabi sa kanya, please?"

"Natural 'di niya masasagot, e siraulo ka ba? Alas tres palang, hoy."

"Oo na nga, e! Pakisabi nalang mahal ko siya."

Napairap naman ako saka ibinaba ko na 'yong phone ko at natulog ulit.

Mga alas nuwebe ng umaga na nang magising ako at nakalimutan kong wala na pala akong kakainin ngayon kaya napagdesisyonan ko nalang na magbihis at sa labas nalang kumain. Iisipin ko nalang na idi-date ko ang sarili ko. Sweet, 'di ba?

Sayang wala si Waden, ililibre pa naman sana ako no'n kung saka-sakali.

Sa malapit na fast food lang ako kumain kasi gutom na talaga ako. Okay naman kahit mag-isa lang ako. Kaasar, iniwan talaga ako nilang lahat. Oh, kay sayang summer, mga bes!

Naglakad lang ako dahil sa sobrang boring. May nadaanan naman akong aleng nagtitinda ng mga keychain, bracelet at marami pang iba. Napahinto ako nang mapansing may mga bracelet siyang katulad no'ng bracelet ni Dreami. 'Yong binigay daw kuno ng super crush niyang si Erel.

Tiningnan ko 'yong isa at hinawakan. White 'yong beads tapos 'yong cross sa gitna, color black. Ibinalik ko naman agad sa kinalalagyan kanina at aalis na sana nang may kumuha no'ng bracelet na 'yon.

"Ale, magkano ho ito?"

"Bente singko lang, pogi," nakangiting sagot ng ale.

Ayan na naman, napatigil nanaman niya 'yong mundo ko. Peste naman, Mel, e.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now