Paanong nasa kanya 'yong notebook ni Dreami?
Bigla akong kinabahan.
Pa'no kung nabasa niya? Pero ano naman kung binasa niya? Tss. Malay natin tinamad siyang basahin 'yon—-poof! Mahilig pala siyang magbasa.
Inagaw ko sa kanya 'yong notebook.
Nakaupo lang siya habang nakatingin sa 'kin na nakatayo sa harap niya at nakatingin lang din sa kanya.
"P-Pa'no napunta sa 'yo 'tong notebook ko?"
"Hindi 'yan sa 'yo."
"Akin 'to. So pa'no nga napunta sa 'yo? Wala naman akong naaalala na humiram ka sa 'kin, e, at saka kahit naman humiram ka hindi naman kita papahiramin. Ano tayo, close? Hindi, 'di ba?"
"Sige, magsinungaling ka pa."
"Hay nako, plastik, puwede mo namang ibigay nalang kay Waden, e, 'di ba, friends kayo no'n? Hindi naman gano'n pala kaimportante tapos tinext mo pa ako at—teka nga, sinong hampaslupa 'yong nagbigay sa 'yo ng number ko?"
"'Wag mo ngang ibahin 'yong usapan."
Napakunot naman 'yong noo ko.
"Kay Ellaine 'yang notebook na 'yan." Bigla naman akong nagulat dahil sa sinabi niya, napalunok at parang napatigil din sa paghinga. Parang gusto ko siyang suntukin ngayon. Anong karapatan niyang tawagin si Dreami ng gano'n?
Ellaine.
Kay Ellaine daw. Hindi ko alam kung bakit feeling ko naiiyak ako.
"S-Sa 'kin nga! Ano bang problema mo?"
"Hindi ikaw si Ellaine," sagot niya. Pagkasabi palang niya no'n ay parang nanlambot na 'yong mga tuhod ko.
Oo nga. Hindi nga ako 'yong sinasabi niyang Ellaine. 'Yong Ellaine na sinaktan niya.
Pinagduldulan ko naman sa kanya 'yong ID ko.
"Nakikita mo naman siguro 'yong pangalan ko sa ID na 'to, 'di ba? Kaye-Drea-me-llaine-L-Fue-go!"
Sandali siyang napatingin sa ID ko saka binalik ulit 'yong tingin niya sa 'kin. Malamig na tingin.
"Sige, meow, magsinungaling ka pa sa 'kin."
"Hindi nga ako pusa!"
Hindi ko na napigilan. Napaiwas ulit siya ng tingin tapos bigla niya akong hinila para umupo sa tabi niya. Hindi na ako nakaangal.
Ilang minuto ulit 'yong katahimikan.
Nakatingin siya sa langit na madilim dahil gabi na. Ako? Nakatingin ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit dumikit na 'yong paningin ko sa kanya. Napakunot nalang ako ng noo ko habang nakatingin sa kanya. Bakit parang... ang lungkot niyang tingnan? Bakit parang nanlambot siya bigla? Bakit parang nasasaktan siya? Hindi ko gets. Ewan ko ba pero parang bigla akong na-curious sa kanya at sa nararamdaman niya ngayon.
"Hindi 'yang... " mahina niyang sabi. "Pangalan mo ang nakita ko sa notebook na 'yan."
Lumakas bigla 'yong kabog ng dibdib ko. Natahimik lang ako. Hindi ako makapagsalita na para bang naputulan ako ng dila. Wala akong masabi.
"Dreamaica Ellaine L. Tierra," sambit niya. Hindi ko alam kung bakit biglang may tumulong luha sa mga pisngi ko. Hindi ko alam kung para saan 'yong luhang 'yon. Hindi ko alam kung bakit naguguluhan ako ngayon.
Agad ko namang pinahid 'yong luha ko at sakto namang bumaling siya sa 'kin.
"'Yon. 'Yon 'yong nakita kong pangalan sa notebook." Napaiwas naman ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Teen FictionKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...
