FINAL CHAPTER

21 0 0
                                    

"Please, Mel, iba nalang. Alam ko... tanggap ko nang hindi ako... pero sana... sana hindi siya. 'Wag naman sana si Erel... please... nadudurog ako."

Pakiramdam ko, isang kasalanan ang pag-i-exist ko sa mundong 'to. Ewan ko ba, hindi naman ako masamang tao pero pakiramdam ko ang dami kong sinisira. Ang dami kong what if's na naiisip at nangunguna na ro'n ang, paano kung hindi nalang nawala si Dreami? Paano kung hindi ko nabasa 'yong highschool life niya?

Ang sabi ko, tatapusin ko lang ang summer sa Crisologo at uuwi na ako kayna Papa pero no'ng araw na 'yon, no'ng makita kami ni Waden at bigla niyang sinugod si Erel, ewan ko ba, mas pinili ko nalang mag-stay hanggang sa magtapos ako ng college. Mas pinili ko nalang na hindi siya makita kaysa mawala ang nag-iisa kong kaibigan sa 'kin.

At oo, masakit.

Pero mas masasaktan ako kung mawawala ang isang taong laging nasa tabi ko.

Mabait si Waden at mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya bilang kaibigan at hanggang doon nalang 'yon. Pero ayoko siyang masaktan kahit kapalit pa no'n ang sayang mararamdaman ko sa taong gusto ko.

Sa totoo lang, nagalit ako kay Waden. Ang sabi niya ginawa niya lang 'yon dahil may gusto siya sa 'kin. Napaisip nga ako, e, ang selfish niya para gawin 'yon dahil may girlfriend siya. Pero dahil ako parin 'to, si Mel na tatanga-tanga, ayon, mas inuna ko nanaman 'yong iba kaysa sa sarili ko. Ang gusto ko lang naman ay ang maibalik ang pagkakaibigan nila ni Erel kaya kung ang paglayo ko ang magiging susi no'n, bakit hindi ko gagawin?

Oo na po, opo, yes po, ang tanga ko po pero sinabi ko sa sarili ko na hindi ko 'yon pagsisisihan kahit pa everytime na naaalala ko 'yong araw na 'yon, naririnig ko parin ang boses ni Erel habang sinasabing, for once, Dreamellaine, sarili mo ang isipin mo hindi ang ibang tao.

"Hoy, maylabs, tulala ka nanaman!"

Natauhan naman ako sa pagkalabit niya sa 'kin.

"H-Ha?"

Napasimangot naman siya.

"Pinapahalata mo namang ayaw mo akong kasamang magsimba."

"Hala, ano nanamang ginawa ko?"

Inakbayan niya ako saka pinaningkitan ng mga mata.

"Alam mo, maylabs, kung ayaw mo talaga sa 'kin, i-re-reto na talaga kita sa kaibigan ko."

Napa-cross arms naman ako sabay irap. "Sino nanaman 'yan? Matino ba?"

"Hala, matitino naman talaga mga pinapakilala ko sa 'yo, ah."

"Ewan ko sa 'yo. Pakiramdam ko tuloy kinukumpleto ko lang 'tong simbang gabi para matupad na ang wish ko ngayong pasko."

"Asus, ano ba kasi 'yang wish mo?"

"Ano pa? Edi ang matino namang lalaki ang ipakilala mo sa 'kin. Kahit naman kasi hindi ako interesado sayang naman ang effort mo kung wala akong mapipili."

"Wushu! 'Wag kang mag-alala. Sinasabi ko sa 'yo, matino si Romeo at saka alam kong sasaya ka sa kanya."

"Romeo pangalan niya?"

"Bakit? Ang luma nanaman ba? Mas okay na kaya ang Romeo kaysa ro'n sa Antonio, Dominador at Federico na pinakilala ko sa 'yo dati. Ano, isa-isahin ko pa ba?"

Muntik na akong matawa.

"Hoy, 'wag mo ngang ma-mention-mention ng ganyan si Klinton. Baka mamaya siya piliin ko."

Bigla naman niyang kinurot 'yong pisngi ko.

"GUADENCIO!"

Natawa siya.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now