9

22 4 2
                                        

Buong gabi akong  umiyak dahil sa sakit pero hindi ko sinabi kay Mama. Natatakot ako. Nakikisabay pa 'tong puso ko na biglang kumikirot din. Hanggang sa nakita na ako ni Mama na namimilipit na sa sakit. 'Yong pakiramdam na parang hinahati 'yong ulo ko. Hindi rin ako makahinga nang maayos.

Tinanong ako ni Mama pero hindi ako makasagot. Nagpapanic na siya at gusto na niya akong dalhin sa ospital pero hindi ako nagpatinag. Natatakot ako.

No'ng araw ding 'yon bumuti naman 'yong pakiramdam ko pero maya maya lang biglang bumalik 'yong sakit. This time mas lumala pa, naririnig ko nang nagpapanic na ulit si Mama habang papalapit sakin at tinatawag ang pangalan ko hanggang sa hindi ko na namalayang napapikit na pala ako at pagmulat ko, akala ko nasa heaven na ako dahil sa puting kisame na nakita ko at ang una kong naisip no'n ay, "maygad! Hindi pa ako puwedeng mamatay. Hindi ko pa nga nagiging close si Erel, e. Hindi pa nga kami nagkakatuluyan ng prinsipe ko, kaya no! Never! 'Wag muna po please, Lord!"

Nakakatawa mang isiping mas inuna ko pa 'yong kalandian ko kaysa sa health ko pero gusto ko lang pagaanin kahit kaunti ang loob ko. Hindi ako makapaniwalang mamamatay na ako. At ayokong paniwalaan.

Hindi ko mapigilang hindi umiyak habang naririnig ko ang mga hikbi ni Mama. Hindi pa nga ako patay pero gano'n na siya makareact pa'no pa kaya kapag dumating na ang araw na 'yon? Mas naaawa tuloy ako sa kanya kaysa sa sarili ko.

Napaisip nalang ako, bakit ako pa? E, ang dami dami namang masasamang taong puwedeng tamaan ng sakit na 'to. Dala-dalawa pa. Pero hindi ko dapat kuwestiyunin ang plano sa 'kin ni Lord. Siguro nga, ito talaga ang kapalaran ko. Ang magkatumor sa utak at magka-heart disease.

Pagkatapos no'ng araw na 'yon, hindi ako nakapasok sa school for one week. Pumunta naman si Mama sa school ko to tell my adviser about sa nangyayari sa 'kin kaya ako mag-a-absent at na-shock daw si ma'am. Ni-report din ng adviser ko sa principal namin kasi strict kasi 'yong principal when it comes to student abscences. Naging okay naman sa kanila at ipagpi-pray din daw nila ako.

Hindi ko pa chine-check 'yong phone ko kaya for sure sobrang dami ko nang messages especially sa dalawang bruha. Pinasabi ko kay Mama sa adviser namin na kung puwede 'wag niyang ipagsabi sa mga kaklase ko about this kasi... basta. Ayoko lang na malaman nila. Um-agree naman daw si ma'am kaya I'm sure wala pang alam sina Cailyn. Alam kong dudumugin nila ako sa pamamagitan ng messages pero hindi ako pinayagan ni Mama na mag-cell phone.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now