37

5 0 0
                                    

"Hoy, meow, ayusin mo naman 'yang tore mo."

Natauhan naman ako nang marinig ko 'yon. Iniisip ko kasi kung anong meron at saka kung may celebration bang darating na hindi ko alam. Kanina kasi may pinapuntang babae si tita tapos sinukatan kami ni Klerian na para bang gagawan kami ng damit. Ayaw namang sabihin sa 'kin ni Klerian kasi alam ko naman na raw.

Nakakahiya baka may birthday sa kanila tapos hindi ko alam. Feeling ko tuloy ang rude ko.

"Hoy ka rin, plastik! Magbasa ka na nga lang dyan, 'di ka naman kasali sa 'min!"

Hindi parin maalis sa isip ko 'yong sinabi ni Klerian kahapon kaya everytime na tatawagin ako ni Erel ng meow, hindi ko alam kung anong una kong magiging reaksyon. Ang weird nang pakinggan.

"Mauunahan na kita, ate Mel."

Tapos biglang natumba 'yong akin and I was like... "Gosh, ayoko na!"

Napatayo ako and I was about to leave nang bigla hilahin ako ni Erel pabalik kaya napaupo ulit ako.

Bigla naman niyang binitawan 'yong librong binabasa niya, napaupo sa tabi ko at inayos 'yong toreng tinatayo ko kanina.

Tinaasan ko naman siya ng isang kilay saka sinamaan ng tingin. Nasa cards lang na tinatayo niyang tore ang atensyon niya kaya hindi niya napansin na ang sama ng tingin ko sa kanya.

"O, ayan, ate Mel, tinutulungan ka na ni kuya. May chance ka pang makahabol," natatawang sabi ni Klerian. "Si ate Mel lang pala ang magpapa-try kay kuya mag ganito, e."

"I want to help your ate meow para naman hindi siya kawawa," dahilan niya.

"Magbasa ka na nga lang!" saway ko sa kanya saka aagawin na sana 'yong cards sa kanya nang ilayo niya 'yon sa 'kin.

"Fine, edi sa 'yo na 'yan, plastik!" Tatayo na ulit sana ako nang hilahin nanaman niya ako pabalik. "Ano ba?!"

"Ang ingay mo."

"Cutie, pakisermonan nga 'tong kuya mo nang bumait sa 'kin." Natawa lang si Klerian sa sinabi ko at nag-focus lang sa ginagawa niya. Kung hindi ba naman ako pinilit ni Klerian magpataasan ng tore, edi sana nasa kuwarto ako ngayon. Nag-e-emote.

"Mabait naman ako sa 'yo, ah. Ikaw lang naman 'tong masungit sa 'kin."

Tumahimik nalang ako dahil sa asar at napangalumbaba nalang.

"Luh, ang bilis mo naman, kuya! Malapit mo nang malampasan 'yong akin!" sabi ni Klerian. Napatingin naman ako sa mga tore nila. Malapit na ngang malampasan ni Erel 'yong kay Klerian. Sige lang, mag-enjoy kayo riyan. Ako na bored.

"Inspired kuya mo kaya 'wag ka nang magtaka, Klerian," sagot naman ni Erel. Inspired your face, plastik!

Napatingin naman ako sa phone ko. Ni hindi manlang nag-text si Waden kung buhay ba siyang nakabalik sa trabaho niya.

"O, meow, ba't ang tahimik mo naman?"

Meow nanaman.

"Kakasabi mo lang kanina na ang ingay ko tapos ngayon magtatanong ka?"

Kinuha ko naman 'yong librong binabasa niya kanina. Taray, english novel pa. Sana all brainy. Binalik ko nalang, mukhang dudugo ilong ko sa mga deep english words do'n.

Halos makatulog na ako sa ka-boring-an tapos 'yong dalawa naglalaro parin. Isang beses palang nananalo si Erel habang dalawang beses na si Klerian.

Tawa ng tawa si Klerian nang biglang matumba 'yong tore ko na inaayos ni Erel.

"Erel naman! Inagaw mo lang sa 'kin para ipatalo, e!" naiinis kong sabi saka hinablot 'yong cards sa kanya. Nakatingin lang siya sa 'kin kaya inirapan ko siya at nagsimulang ayusin ulit.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now