40

5 0 0
                                    

Si Ladylyn na bigla nalang nawala no'ng may mangyari sa Mama niya. Hindi ko na siya nakita matapos niya akong iwan sa room namin at matapos kong makita ang bagay na nahulog mula sa libro niyang dala no'ng mga oras na 'yon. 'Yong picture niya kasama si Erel.

No'ng mga panahong 'yon sinabi sa 'kin nina Koomie na moved on na raw si Ladylyn kay Erel pero nagkaroon ako ng doubt kasi nagtataka ako kung bakit magtatago siya ng picture nila ni Erel.

Ngayon, sa nakikita ko, mukhang tama 'yong hinala ko na hindi pa siya nakakamove-on noon. At heto siya ngayon. Heto sila ngayon.

Bigla akong natauhan dahil sa lakas ng boses ng emcee sa harap. Nagsigawan naman 'yong mga bisita nang halikan ni Papa si tita Clara.

Everyone look so happy tonight. Napangiti nalang ako nang makita ang mga ngiti ni Papa sa asawa niya. Pero may ibang parte parin sa 'kin na nalulungkot. Naisip ko si Mama. Bakit never kong nakita kay Papa 'yong ngiting 'yon habang kaharap si Mama? Sumasakit 'yong puso ko habang iniisip 'yon.

Bigla akong kinalabit ni Waden. "Maylabs, sagutin ko lang tawag ni Riley," paalam niya, tumango naman ako tapos kinindatan niya ako bago umalis.

Tahimik lang akong nakaupo at pinagmamasdan sina Papa.

Naiiyak ako kaya 'yong fruit salad 'yong tinira ko.

"Kainis! Bakit ba ang daming pinya!" inis na bulong ko sa sarili habang itinatabi 'yong mga pinya.

Naalala ko nanaman si plastik sa fruit salad na 'to kainis. Napatingin tuloy ako sa table nila. Kausap niya si Ladylyn habang nakangiti. Tapos kinakausap din ni Ladylyn si Klerian. Bigla akong nagselos. Close na sila ni cutie? Tss, bakit ba kasi ayaw akong patawarin ni plastik? Edi sana kasama ko ngayon si Klerian.

Ang boring naman. Mga titas and titos ko ang ka-table ko rito. Wala manlang kaedaran ko lang at saka wala manlang may kumakausap sa 'kin.

Ang tagal ni Waden.

At dahil mga busy naman sila sa kasiyahan, wala manlang may nakapansin na umalis ako ro'n at pumunta sa may gate. Ang sakit na ng mga paa ko sa suot kong sapatos. Ang taas ba naman ng heels.

Nakatayo lang ako sa may gate nang may makita akong guy na nagsisindi ng sigarilyo. Ew. So gross!

Pero teka... parang pamilyar siya.

"Federico Klinton? Ikaw ba 'yan?" Nagulat ata siya kasi gumalaw 'yong balikat niya at... mukhang natapon pa 'yong sigarilyo niya. Napalingon siya sa 'kin.

"Tss, It's Klinton."

Teka... siya ba talaga si Klinton? Ang laki ng pinagbago niya. Wala na siyang salamin at medyo lumaki na katawan niya. At teka... naninigarilyo na siya? Dati parang hindi makabasag 'yon ng pinggan, e. Subsob din sa pag-aaral kaya hindi ko akalaing makikita ko siyang naggagano'n.

"Ikaw ba talaga 'yan, Klinton?" Namamangha parin ako sa itsura niya. Ang guwapo, promise!

"Ako nga 'to, Kaye Dreamellaine."

Gusto kong matawa. Ilang years ko ring hindi narinig 'yong pagtawag niya sa 'kin ng gano'n. Ang sipag niya kaya. 'Yong ibang classmates ko, Mel lang 'yong tawag sa 'kin.

Natawa ako. "Taray ang laki ng pinagbago mo, Klinton, infairness."

"I know. At sinadya ko talagang magbago dahil mula no'ng... bigla kang nawala sa school... pinagsisihan ko nang naging duwag ako," sabi niya saka sinuklay paitaas 'yong mahaba niyang buhok gamit ang kamay niya. "Fortunately, nakamove-on na ako sa 'yo, so, Kaye Dreamellaine, can I excuse myself now?" Tapos bigla siyang umalis.

Naalala ko pa no'ng sinabi nina Ladylyn sa 'kin na may gusto sa 'kin si Klinton. Gusto kong matawa no'n kasi ang labo talaga pero totoo pala 'yon?!

Ang sungit niya na mga bes! Pero somehow, nasasayangan ako sa kanya. Hindi naman siya umamin sa 'kin dati, e. Landi mo, Mel!

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now