Tahimik lang akong nakaupo sa gilid at iniiwasang magtama ang mga tingin namin. Nabibwisit ako sa kanya. Naisahan ako ng plastik na 'yon kagabi.
Kaninang misa naman, sa 'kin lang nag "peace be with you" sabay kindat pa tapos no'ng sa part kung saan hawak kamay na at kakanta, nagulat nalang ako na hindi si Klerian 'yong humawak sa kamay ko, si plastik mga bes! Nakipagpalit ba naman kay Klerian ng seat. Naasar talaga ako tapos nakita ko pang nagpipigil ng tawa sina Papa na pinangungunahan ni Klerian. Pinagti-trip-an talaga nila ako. Ano bang meron sa araw na 'to? Parang ngayong linggo lang naman sila ganito. Kitang nagmo-move on na ako, e.
Napapairap nalang ako habang nagfi-flip ng pages ng magazine na hawak ko. Ayaw ko sanang sumama sa kanya rito sa clinic ng Mama niya, e, kaso, pinilit ako ni tita Clara at Papa. Para makalabas naman daw ako ng bahay.
Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Papa kanina ay pinayagan na niya akong lumabas kahit saan daw ako magpunta at mamasyal, okay lang daw. Sinuggest niya pa ngang pumasyal daw ako sa sa resto bar nila ni tita Clara basta isama ko raw si Erel. Nagulat nga ako, pinayagan niya akong uminom ng alak dahil nasa tamang edad naman daw ako. Agree naman ako ro'n pero hindi talaga ako umiinom, e. And duh, si Erel kasama ko? Hindi naman kami close, e.
"Nurse Cria, anong oras ba darating si Mama?"
Napatingin naman ako sa isang babaeng naka uniform pang nurse. Ang ganda at ang sexy. Ang lawak pa ng ngiti kay plastik kainis. Pero siyempre wala naman akong pake kaya itinuon ko 'yong pansin ko sa magazine na hawak ko.
"Hindi ko alam, Erel, e. Kanina pang alas otso umalis." Tapos napatingin siya sa 'kin. Nginitian niya ako at dahil medyo nahawaan na ako ni Erel sa pagkaplastik niya, nginitian ko rin siya.
Halatang pa-cute pa 'yong boses. May kinalikot lang siyang mga folder sa likod ni Erel. If I know, nagpapapansin lang 'yon.
Si Erel naman, sa sobrang saya niya dahil nga naisahan niya ako kagabi, hindi lang naman matanggal-tanggal 'yong malawak niyang ngiti sa pagmumukha niya habang nasa desk ng Mama niya at mukhang may tinitingnan sa laptop. Halos makita pa lahat ng ngipin. Pinaglalandakan pa 'yong braces niya. Ews.
Kung kilala ko lang ang Mama niya siguro isinumbong ko na siya. Kaasar, e. Kitang-kita ko pa mula rito 'yong nakakaasar niyang ngiti.
"Meow naman, ang ganda ganda ng araw, sinisira mo. Smile naman dyan, dali!" Nang-aasar na sabi niya. Inirapan ko lang siya.
"Ah, nurse Cria, si meow—este si Ellaine pala," pakilala niya sa 'kin. Pinaningkitan ko naman siya ng tingin.
"Mel po talaga, nurse Cria. 'Wag kang makinig dyan," kontra ko.
Natawa naman siya. Ang pabebe naman ng tawa niya.
"Hi Mel," bati niya kaya nginitian ko nalang siya tapos no'ng binalingan ko si Erel, inirapan ko siya.
"C'mon, meow, kung asar ka parin dahil sa number mo, balik ko nalang ngayon, you want?"
"Hindi ka nakakatuwa, plastik."
"Kailan ka ba natuwa sa 'kin? No'ng sinampal mo ako ng dalawang beses?"
Napatingin naman ako sa kanya pagkasabi niya no'n.
"Paulit-ulit tayo ro'n sa sampal? Ang tagal tagal na, e."
"Wow, buti naalala mo pa 'yon, meow?"
Napakunot naman 'yong noo ko. "At bakit naman sa tingin mo makakalimutan ko 'yon?"
"Makakalimutin ka, e."
"Baka ikaw makakalimutin."
Nakalimutan mo na bang sinabihan mo ako dati na hindi mo ako gusto? Na pasensya na pero hindi mo ako gusto?! Kasi kung makipag-usap ka sa 'kin ngayon parang wala kang sinabing gano'n dati, e.
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Novela JuvenilKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...