"Galing naman ni cutie," papuri ko kay Klerian saka ginulo 'yong buhok niya. Ngumiti naman siya.
"Try mo, ate Mel!" Tapos pinahawak niya sa 'kin 'yong paint brush niya na agad ko ring ibinalik dahil unang-una, hindi ako marunong mag-paint. Pangalawa, wala ako sa mood.
"Sa arts talaga ako hindi biniyayaan ng talent," sabi ko saka napabuntong-hininga.
"Si kuya Erel nagturo sa 'kin. Magaling din po siya kaya minsan paturo ka po para mag-art jam tayong tatlo."
So magaling pala si Erel sa arts? Akala ko ba puro gadgets at computer lang 'yon dati? Walang duda... bagay nga sila ni Dreami. Ng Ellaine niya. Nice. Bagay na bagay.
"Alam mo, Klerian, kung nakilala mo lang si Dreami, for sure magkakasundo kayo."
Napatigil naman siya sa ginagawa niya saka napatingin sakin.
"Sino pong Dreami?"
Napangiti naman ako ng bahagya. "Ang pinakapaborito kong pinsan. Bestfriend ko rin siya. Magaling siyang mag-drawing at saka mag-paint tulad ng Mama ko. Tulad mo."
"Talaga po? Puwede niyo po ba akong ipakilala sa kanya? Nasaan po siya?" excited niyang tanong.
Napangiti ako ng matamlay tapos ginulo ulit 'yong buhok niya. "Kung puwede sana, e. Kaso nasa heaven na siya." Napalunok at napapikit pa ako para pigilan 'yong luhang gustong kumawala sa nga mata ko.
Napasimangot naman siya.
"Sayang naman po." Malungkot niyang sagot saka napatingin ulit sa 'kin at sinabing, "Ate Mel, bakit ka po umiyak kanina?"
Hindi ko alam na uulitin niya pa pala ang tanong niya kanina. Ano namang isasagot ko?
"H-Ha? K-Kasi... nami-miss ko lang 'yong naiwan kong guy friend do'n sa 'min."
Tama. Buti nalang naalala ko si Waden—teka 'yong address nga pala. Nakalimutan kong mag-text sa kanya.
"Cutie, alis nga pala muna ako. Tatawagan ko pa 'yong sinasabi kong friend ko, e," paalam ko sabay tayo mula sa pagkakaupo sa kama niya. Napatango-tango naman siya.
Lalabas na sana ako sa kuwarto niya nang may maalala ako. Hawak ko na ang door knob no'ng nilingon ko siya.
"Cutie!"
"Ano po 'yon, ate?"
"'Wag mong sabihin kay kuya mo 'yong nakita mo kanina, ha?"
Baka kasi sabihin niya kay Erel na umiyak ako kanina. Close pa naman 'yong dalawang 'yon, nakuuu! Sabihin pa no'n na dahil sa kanya kaya ako umiyak, kahit 'yon naman talaga 'yong totoo, edi mas lalong magyayabang 'yon.
Napangiti naman si Klerian. "Opo, ate, promise!"
Nginitian ko naman siya bago lumabas at isinara 'yong pinto ng kuwarto niya at pagtalikod ko—
"Anong nakita niya kanina?"
Halos mapalundag pa ako sa gulat dahil sa plastik na 'to.
"Ano ba naman, plastik! Bakit ka ba nandyan?! Papansin?!" sabi ko sa kanya sabay irap.
Nilagpasan ko siya at hinanap si ate Kiva. Sumunod naman siya.
"Hoy, meow, anong pinag-usapan niyo ni Klerian?"
"Wala kang pake."
Binuksan ko 'yong pinto ng terrace sa likod.
"Sinampal mo ako dati dahil sabi mo sinaktan ko si Ellaine. E, ngayon, bakit mo ako sinampal? Sinong na namang nasaktan ko?"
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Teen FictionKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...