26

13 3 0
                                    

Hanggang kailan ba magiging awkward ang sitwasyon na 'to?

Pagkatapos no'ng eksena kanina ay nagpakilala 'yong apat na nasa isang sofa. 'Yong girl na naka salamin ay si Ynna then 'yong katabi niya is Heila na medyo may curly hair tapos sa tabi niya si Kriston daw and Yulo. Nag-smile lang ako sa kanila at nag-hi. Nao-awkward ako, promise. Nag-smile and wave nalang sina Erahnnel, Hazzy at Riley kasi we've met naman na, e lalong-lalo na ni Drej haliparot. Si Cailyn lang talaga 'yong may hinanakit sa 'kin kaya walang ibang ginawa kung 'di irapan ako.

Nagpakilala rin si Abby then she smiled at me like omg! Parang hindi naman siya maldita like Cailyn. Pati 'yong dalawang boys na katabi ni Drej haliparot, they're nice! They look friendly naman unlike Cailyn.

Pagkatapos no'n ay bumalik na sila sa mga business nila which is chismisan and inuman.

Natahimik nalang ako. Si Jerome lang 'yong katabi ko sa isang upuan na kaya naman hanggang apat na tao but no one wants to sit beside me na para bang para sa 'min lang 'yong upuan na 'to. O baka naman ayaw lang nila talaga sa 'kin? Parang gusto kong mapasimangot.

Ewan ko ba, pero nawi-wierdo-han talaga ako sa lalaking nasa tabi ko ngayon. Naaalala ko na 'tong Jerome na 'to, siya 'yong katabi ni Erel no'ng birthday ni Hazzy. 'Yong lalaking busy sa phone niya. Hindi manlang ako no'n tinapunan ng tingin dati. Sobrang suplado niya tapos ngayon, ano 'to?

Nakikita ko sa peripheral vision ko na mukhang pinagchichismisan ako nina Cailyn at Erahnnel. Gosh! Kailan ba ako magiging okay sa paningin ng Cailyn na 'to?

"Bakit ba siya nandito?" tanong ni Cailyn kay Erahnnel.

"I have no idea." Hindi pa siya nakontento at tinabihan pa si Erel.

At talagang naririnig ko pa sila, ah!

"Hoy, Erel! Akala ko ba you're gonna avoid her na? So bakit siya nandito?" Kinalabit niya si Erel pero hindi siya nito pinansin kaya naman bumalik nalang siya sa inuupuan niya kanina while rolling her eyes. Kanina pa si Erel busy sa phone.

I wonder kung anong ginagawa niya sa phone niya. Pagkatapos lang niyang sabihan 'tong si Jerome kanina na hindi ako si Dreami ay ibinalik lang niya 'yong atensyon niya sa phone niya. Muntik na pa naman akong 'di maka-get over. Super kilig na sana ako pero err! Isa talaga siyang plastik at wala na siyang pakialam sa 'kin.

Napatingin nalang ako kay Waden na katabi ni Riley. Pinipilit lang naman nila si Waden na uminom, hindi naman siya makatanggi kaya ayon, medyo namumula na siya. Nginitian niya lang ako. Hindi ko pa siya nakitang lasing. Pero ngayon I'm sure malalasing siya. Siguro naman wala siyang katangahang gagawin.

Napairap nalang ako sa kanya. Ni hindi manlang niya ako pinilit na tumabi sa kanya. Hmp! Nakakapagtampo siya! Porke katabi niya si Riley, e. Hinayaan lang niya akong tangayin nitong Jerome na 'to sa tabi niya. Edi, kay Riley nalang siya, tss! Isa siyang traydor na kaibigan!

"Hey, try this," offer ni Jerome sa basong hawak niya na I know alak 'yong laman. Gusto ko nalang mapairap.

Tiningnan ko si Waden baka lang naman may balak siyang pigilan 'tong kaibigan niya. But my traitor friend just gave me his thumbs up. Wew!

"Ah, s-sorry hindi ako umiinom. Okay na ako rito." Tapos sumubo ako ng chocolate cake. Umusod pa ako ng kaunti kasi dikit siya ng dikit sa 'kin.

"Sige na, Dreamellaine, one shot lang please," pilit niya tapos umusod pa sa 'kin. Tss, kakausod ko lang, e.

Tiningnan ko si Waden. Walanghiya! Nakaakbay na kay Riley na nakayakap sa kanya. What the heck?! Guadencio, ang landi mo! Pero halatang mga lasing na. Mali talagang lasingin 'tong si Guadencio. Lumalandi, e! Sumbong ko siya kay tita Olivia.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now