36

8 0 0
                                        

"Hay, kahit kailan talaga, maylabs, napakapasaway mo," sabi ni Waden habang nakakrus ang mga braso at nakatayo sa gilid ko.

Kakapunas ko lang sa bibig ko dahil bigla ba namang umikot 'yong sikmura ko kanina pagpasok namin sa bahay. Pagkatapos kasi no'ng pagkatumba ko kanina at no'ng pagkikita ng mag-ex bestfriends ay hindi ko na napigilan si Waden na iuwi ako sa bahay.

Hindi na ako tumanggi kasi nagkita naman na sila. 'Yon sana 'yong dahilan ko kung bakit hindi ako pumayag kay Waden na sunduin nalang ako sa bahay kaso palpak! Sunundan pala ako ni Erel. Kaasar, ang chismoso.

"Ang sama ng tingin mo. Okay naman na ako, ah." Napatingin-tingin naman ako sa paligid. "Nasaan siya?" pabulong kong tanong. Hindi niya ako sinagot.

"Ang tigas talaga ng ulo mo."

"Waden naman, kakakita na nga lang natin tapos ganyan ka pa. Okay na nga ako. Trust me!" Tapos kinindatan ko siya saka inakbayan at dinala sa sala.

"Ba't hindi ka naka-uniform? Ang guwapo mo pa namang tingnan pag nakagano'n," pag-iiba ko ng topic saka umupo kami sa couch.

"Ayokong makita mo akong nakagano'n." Seryoso pa siya habang sinasabi 'yon tapos pinaharap ako sa kanya at hinilot 'yong sentido ko.

"Ang damot," nakapout kong bulong.

Bigla namang dumaan si ate Kiva kaya pinakilala ko si Waden at saka nagpresenta siya na gumawa ng meryenda pero inayawan ni Waden at ang sinabi niya ay tubig nalang daw. Tumango nalang si ate Kiva tapos kinindatan pa niya ako no'ng umalis siya. Akala niya siguro boyfriend ko, duh.

"'Wag na kasi. Hindi naman ako magtatagal dito," kontra ni Waden. "Na-miss lang naman kita. Pero ang tigas talaga ng ulo mo, isusumbong kita sa Mama mo."

"Hala, wala namang ganyanan. Ngayon na nga lang sumakit ulo ko, e, kaya sure akong pagaling na ako. At saka ang kulit mo, okay na sa 'kin 'yong hilot mo, ano ka ba," sagot ko sabay ngiti.

Dumating naman si ate Kiva at nilapag sa center table 'yong tubig saka binigyan ako ng mapang-asar na ngiti bago siya umalis.

"'Wag ka ngang ngumiti riyan! Pinag-alala mo kaya ako," saway niya saka kinuha 'yong isang basong tubig at akmang ipapainom na sa 'kin. "Uminom ka kaya ng gamot!"

Nagpa-cringe ako. "No thanks. Umay na umay na ako sa gamot. 'Wag mo kong pipilitin dahil magtatampo ako sa 'yo. Sinabi ko naman sa 'yo na okay lang ako, 'di ba?" Kinindatan ko ulit siya.

"Baliw ka na talaga. Gusto mo bang patayin sarili mo?"

"Hay nako, Waden, hindi ka naman siguro pumunta dito para sermonan ako, 'no?"

"So bakit hindi mo sinabi sa 'kin na nandito rin 'yong gagong 'yon?" Hinampas ko naman siya sa braso. Biglang iniba 'yong topic, e.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo!" warning ko. Baka may makarinig.

"Ba't hindi mo sinabi sa 'kin?"

"Dahil alam kong mag-aalala ka sa 'kin," sagot ko saka napabuntong-hininga. "Ganito na ata ako kamalas sa buhay."

Napabuntong-hininga rin siya. "Bakit siya nandito?"

"Unfortunately, pamangkin pala siya ng napangasawa ni Papa," I sighed. "Biruin mo, sa dinami-dami ng taong puwedeng maging pamangkin ni tita Clara, siya pa talaga? Ang plastik na 'yon pa talaga?!" Tapos napapaypay pa ako gamit ang mga kamay ko.

"Halata pang nag-aalala siya kanina no'ng dumating siya."

"Sus alam mo namang napakaplastik no'n."

"Pero seryoso, halatang nag-aalala siya sa 'yo. Baka kinain na niya 'yong sinabi niya sa iyong hindi ka niya gusto?"

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now