At dahil grounded daw ako for one week (hindi naman talaga ako lumalabas kaya useless lang 'yang grounded na sinasabi ni Mama) wala akong ginawa kung 'di ang magbasa.
***
September na at ako lang ata 'yong hindi excited. Sobrang excited lang naman silang mag-intrams dahil makikita nanaman nila mga basketball players ng iba't-ibang strand na titilian nila. E, ako, bukod sa hindi ako interesado sa mga basketball players nila, hindi rin ako tumitili sa kung sino-sino lang. Kay Erel lang titili mga bes. Sige, tawa kayo riyan.
Ang maganda lang naman pag intrams ay walang klase. May activities pero siyempre mas okay na 'yon kaysa naman sa boring na discussion ng mga boring kong teachers.
Masyado ring busy si Erel sa pag-aaral para sa future namin—este mas gugustuhin pa kasi ni Erel magbasa ng mga libro at maglaro ng ml kaysa pag aksayahan 'yang mga sports na 'yan. Mas mabuti nga 'yon para walang tumili sa kanya. Marami na akong kaagaw. Ayoko na siyang ma-expose.
"Dreamiii!" sabay pang tawag sa 'kin nina Cailyn at Erahnnel. Hays, may chismis nanamang dala 'tong dalawang 'to. Nananahimik na nga ako rito, e kasi nasa malapit ko lang si Erel na kausap ni Ynna na I'm sure kilig na kilig dahil nakakausap niya 'yong crush niya. Sana all, 'di ba? If I know excuse niya lang 'yong pagtatanong ng mga projects at assignments nila para lang makalapit kay Erel. Pero mukha namang wala lang kay Erel, e.
Tina-try kong marinig 'yong pinag-uusapan nila pero may mga maingay sa hallway, e. Tapos dumagdag pa 'tong dalawang babaeng 'to.
"Bakit parang excited kayo?" curious kong tanong.
"Sali ka sa poster making," nakangiting sabi ni Erahnnel. Todo ngiti rin si Cailyn.
Napa-gulp naman ako. E, last kong narinig 'yan, e, no'ng grade 9 ako. Pinilit ako ng adviser ko tas pinapunta pa ako sa harap ng mga kaklase ko para ipakita 'yong artwork ko at para kumbinsihin din ako ng mga kaklase kong sumali ako sa poster making. Naalala ko palang 'yon ay parang nahihilo na ako at nasusuka na ako ngayon. Ayoko talaga ng maraming atensyon.
Para naman akong nanlamig at feeling ko namumutla na ako kaya napailing-iling ako.
"Hoy, anyare sa 'yo? Sige na, sali ka na. Nando'n 'yong listahan, o!"
"Isang malaking N-O!" Medyo napalakas ata 'yong pagkakasabi ko kasi biglang napatingin sa 'kin si Erel at Ynna. Tss, nahiya tuloy ako. Pero saglit lang naman 'yong pagtingin nila. Sana all may pagtingin.
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Novela JuvenilKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...