"Kaye Dreamellaine, is that you?"
Natauhan naman ako nang marinig ko 'yon. Sa tawag palang niya sa 'kin, alam ko na kung sino ang taong 'to.
"Hi, Federico Klinton," bati ko sa kanya at pilit na ngumiti.
Mabuti nalang at tinawag niya ako, baka kung saan na ako napunta nito kasi parang wala ako sa sarili habang naglalakad.
Tinanggal naman niya 'yong earphones niya at nakangiting lumapit sa 'kin.
Mukhang hindi na siya masungit ngayon, ah.
"I'm surprised to see you here," sabi niya habang nakangiti. Unti-unti naman akong napangiti. Nakakatuwa lang makitang nagbago na siya.
"Saan ka galing?" tanong niya.
"Sa coffee shop lang," sagot ko. Naalala ko tuloy, hindi ko nga pala nainom 'yong in-order kong frappe. Kaasar si Cailyn. Ang sakit pa no'ng sampal niya. "Pauwi na rin ako. Ikaw, saan ka galing?"
"Nabo-bore lang ako sa bahay so I decided na maglakad-lakad," sagot niya. "Pupunta ako sa park, wanna come with me?"
Nagsimula na kaming maglakad.
Napailing ako. "Maybe, next time? Pinapauwi na kasi ako ni Papa, he has something to tell me," pagsisinungaling ko, ang totoo kasi niyan, kahit masasaktan ako sa makikita ko mamaya ay gusto ko paring makita kung sinong babae ang tinutukoy ng Cailyn na 'yon.
Napatango-tango naman siya.
"My parents are friends with your father kaya nalaman kong lumipat ka rito," biglang sabi niya out of nowhere.
Kaya pala nandoon siya no'ng wedding anniversary nina Papa.
"And I... honestly want to know what happened to you no'ng bigla kang nawala sa school so... I decided to agree with Dad na umuwi ako rito."
"Didn't know na taga rito ka pala," sabi ko saka bumaling sa kanya nang nakakunot ang noo. "So, paano ka napunta sa Crisologo Univ.?"
Natawa naman siya nang mahina at napaiwas ng tingin. "I'm friends with Erel Vien and he's one of the reasons why I studied there."
Natahimik ako.
Nakakagulat naman 'yong sinabi niya. Napaka-friendly naman ng plastik na 'yon. Parang lahat nalang ng nakikilala ko konektado sa kanya.
"And of course, because of you," sabi pa niya kaya napabaling ako sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya.
Ngumiti nalang ako ng pilit. Medyo naiilang ako.
"Ewan ko kung naaalala mo pa pero... No'ng 10th birthday mo... ako 'yong nakasalaming batang kasama ni Erel Vien na nagbigay sa 'yo ng gift."
Nag-isip ako sandali at natawa ako nang maalala kong tama siya. May nakasalamin ngang batang lumapit no'n sa 'kin. Siya pala 'yon? Ang galing! Small world talaga mga bes. At gusto ko nalang matawa dahil ang tagal na no'n pero naalala ko parin tapos 'yong birthday ko, nakalimutan ko.
Pero nang ma-realize kong hindi lang 'yon ang sinabi niya, unti-unting nawala 'yong ngiti ko at napatigil nalang ako sa paglalakad.
"Ako 'yong nakasalaming batang kasama ni Erel Vien na nagbigay sa 'yo ng gift."
"10th birthday ko?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah, bakit?"
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakakunot ang noo. 10th birthday tapos nando'n si Erel? E, kakakilala ko pa nga lang sa kanya no'ng 18 ako, e. No'ng summer, remember? Sa notebook ni Dreami. Nakita ko lang siya sa drawing ni Dreami at nakita in person no'ng makapasok ako sa Crisologo Univ., so bakit niya sinabing kasama niya si Erel no'ng 10th birthday ko?
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Teen FictionKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...