51

7 0 0
                                    

Kakatapos ko lang mag-shower at kanina ko pa isinusumpa si Erel dahil sa ginawa ni Klerian kanina. Alam ko namang nagsabwatan nanaman 'yong dalawang 'yon para asarin ako, e. At saka feeling ko nagpabuhos lang din ang Erel na 'yon para kunwari hindi nila pinagplanuhan ni Klerian. Urgh! Sarap sunugin ng plastik na 'yon!

Pagkalabas ko ng kuwarto, nagulat ako, nakatayo pala siya sa labas ng pinto. Nakabihis na rin siya at seryoso talaga siya sa pagsama sa 'kin sa puntod ni Dreami. Naisip ko tuloy: "ano 'to, 'di talaga maka-get over sa patay?"

"Ano? Ano na naman? Bakit na naman?" Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata.

Nagsalubong 'yong mga kilay niya at parang may sasabihin ata siya pero hindi niya tinuloy. Napakamot siya sa may batok niya. "Wala, tara na."

Parang ang awkward tuloy na ewan hindi ko ma-gets. Hindi niya ba 'yon nafi-feel? Parang gusto ko tuloy na biglang may paparang puting van sa labas ng gate tapos bigla siyang ki-kidnap-in para hindi na siya sumama sa 'kin, o 'di kaya-

"Ellaaaine!"

Oh, well, it's Ladylyn.

Patakbo siyang lumapit sa 'kin at saka ako niyakap. Hindi ako agad nakaimik kasi nagulat talaga ako sa pagyakap niya sa 'kin at saka bakit siya nandito? Naisip ko tuloy baka ito na ang sagot ni Lord para mapilitan si Erel na hindi nalang sumama sa 'kin. Pero... ewan ko, parang bigla akong nainis lalo na nang sabihin niyang, "I heard from Erel na pupunta raw kayo sa Crisologo, puwede bang sumama? Sobrang bored na kasi ako, wala akong magawa."

Napatingin ako sa may pinto at nando'n parin si Erel habang parang estatwang nakatingin sa 'min ni Ladylyn. Mukhang hindi pa nagsi-sink-in sa kanya 'yong nakakagulat na pagdating at pagtili ni Ladylyn. Maski ako ay nagulat talaga. Hindi naman gano'n kaingay si Ladylyn dati, 'di ba? Minsan lang siyang magsalita sa pagkakakilala ko sa kanya dati.

"Ah... "

Hindi pa ako nakakasagot nang lingunin niya si Erel.

"Erel, sama ako, bahala ka."

Napakurap-kurap muna si Erel bago tumango. Napabuntong-hininga nalang ako. Bakit siya sasama? Anong gagawin niya ro'n? Oo na, ang sama ko na pero parang hindi ko 'to gusto. Ayokong sumama siya pero sino ba naman ako para sabihin 'yon, 'di ba?

Nakakainis naman. Hindi ko naman pinasama 'tong Erel na 'to kaya anong karapatan niya para magsama ng iba?

Sinabi ni Erel na kakausapin niya lang daw si kuya Henron kaya naiwan muna kami ni Ladylyn sa may sala.

"Nakaka-excite naman, ang tagal na kitang hindi nakakasama at saka sinabihan ko na rin sina Koomie na pupunta tayong Crisologo."

Napatango-tango nalang ako sa kanya. Ewan ko ba, parang hindi ko na siya kilala.

"Ellaine, may gusto ka parin ba kay Erel?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya agad akong napatingin sa kanya.

"A-Ano?"

"Feeling ko wala na kaya may isi-share ako sa 'yo."

Hinayaan ko lang siyang magsalita. Hindi ko naman feel na umamin sa kanya, e, mukhang mas close pa siya kay Erel kaysa sa 'kin.

"A-Ano 'yon?"

Lumapit pa siya sa 'kin na para bang may i-re-reveal siyang secret sa sobrang seryoso ng mukha niya.

"Alam mo, Ellaine, hindi ko minsan gets si Erel, e."

"Bakit naman, Ladylyn?"

"Minsan ang cold niya sa 'kin pero ang ewan lang, no'ng umuwi siya sa condo niyang lasing no'ng mga second week ata 'yon ng april, may sinabi siya na hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan."

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now