43

8 0 0
                                    

Sa sobrang tagal ng Mama niya, halos makatulog na ako sa sofa. Napatingin naman ako kay Erel na biglang tumayo.

"Ano ba talagang pinunta mo rito?" mataray kong tanong sa kanya.

Sasama-sama pa kasi ako, e. Buti sana kung nakipaglaro nalang ako kay Klerian, o nakipagchikahan nalang ako kay ate Kiva, o 'di kaya kay Ladylyn, ang sabi naman niya pupunta siya ngayon sa bahay.

"At bakit ko naman sasabihin sa 'yo?"

Napataas pa lalo 'yong kilay ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko talaga ma-gets 'yong mood niya, e. Minsan ayaw mamansin, kanina lang parang tanga kung mang-asar tapos ngayon ang sungit.

Pabagsak kong inilapag sa center table 'yong magazine na hawak ko. "Ikaw talaga may problema sa pag-iisip, e."

Inirapan ko siya at saka magwo-walk-out na sana nang magsalita siya.

"Sa'n ka pupunta?"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "I-di-date ko sarili ko, may angal ka?"

Obvious namang bored na ako at gusto ko nang umuwi, e, tapos magtatanong pa. Hello? Naiwan niya ata sa bahay 'yong utak niya.

Mahinang napatawa siya sabay hirit ng, "Nahiya ka pang i-date ako, nagpaparinig ka pa." Tapos inunahan akong buksan ang glass door saka lumabas.

Napaawang nalang 'yong bibig ko habang sinusundan siya ng tingin. Seriously, ano ba talagang meron ngayon? Utak ngayon ni plastik puno ng kahanginan, e.

***

"Hoy, meow, nahihiya ka bang kasabay ako?"

Napatigil naman ako dahil biglang bumunggo lang naman ako sa dibdib niya. Napalayo tuloy ako para dumistansya. Sa paa ko kasi ako nakatingin habang naglalakad. Wala lang, bored lang ako kaya gano'n.

"Bakit naman ako mahihiya? Duh."

"Mukha ka kayang body guard na nakasunod sa 'kin."

"E, ano naman?"

"Sumabay ka nga sa 'kin."

Napabuntong-hininga ako saka napairap. "Huminto ka para lang sabihin 'yon?"

Tumango siya.

Napabuntong-hininga ulit ako. Tapos nag-ipon ng maraming hininga para sabihing, "Alam mo bang napapagod na ako kakalakad? Tapos hihinto ka lang? Sino ba kasing nag-suggest na maglakad tayo mula sa bahay hanggang sa clinic ng Mama mo? Tapos hindi naman natin naabutan 'yong Mama mo. May dalawang kotse naman si Papa, may motor pa so tell me, plastik, sinong nagsabi sa 'yong hilahin ako papuntang clinic ng Mama mo tapos tumambay lang naman tayo ro'n tapos ngayon uuwi na tayo agad-agad?!"-ng isang hingahan lang.

Sa hinaba-haba ng sinabi ko wala manlang siyang naisagot. Nakatingin lang siya sa 'kin at nang mapagtanto niyang tapos na ako, bigla siyang napangiti tapos ginulo 'yong buhok ko sabay sabing, "Meow ka talaga kahit kailan."

Gosh!

Napakurap-kurap ako dahil sa asar. Cute niyang mukha niya.

Napahawak ako sa mga binti ko. Nakakapagod kayang maglakad lalo na't ngayon nalang ulit ako nakalabas sa bahay.

Nagulat ako nang pumunta siya sa harapan ko tapos tumalikod at iniluhod 'yong isa niyang tuhod.

"Gingawa mo, plastik?"

"Hindi ba obvious?"

Napangiwi ako. Anong trip niya?

Nilingon naman niya ako habang gano'n parin 'yong posisyon niya. "Pagod ka na so get on me."

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now