38

9 0 0
                                    

Paano kung sampalin niya ako? Paano kung sabihin niya kay tita na pauwiin na ako kasi napakapakialamera ko?

Haaay, ewan! Ewan talaga!

Hindi ko na talaga alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung paano ako magso-sorry. Ang hirap naman kasi. Lalo na ngayong hindi niya ako pinapansin. As in hindi talaga. Ni hindi manlang niya ako matapunan ng tingin. Never niya pa akong kinausap since kahapon nang mangyari 'yon.

At ngayon lang ako magkakalakas loob. I swallow the lump in my throat. Okay, Mel, breathe in, breathe out.

"Erel," umpisa ko. Kakarating ko lang sa labas at heto siya, nakaupo at seryosong nagbabasa nanaman ng libro.

Kinabahan tuloy ako.

"Hmm?" sagot niya. Ni hindi manlang tumingin sa 'kin.

"Sorry na, please?" sabi ko. Hindi talaga ako sanay mag-sorry pero dahil kasalanan ko naman talaga, oo na. Sige na. Kahit pa sinaktan niya ako dati.

Napatingin naman siya sa 'kin dahil sa sinabi ko. Success. Nakuha ko na atensyon niya. Sumimangot pa ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa 'kin na para bang nag-iisip kung sa paanong way niya ako papatayin.

Halos ikamatay ko na 'yong pag hold ng hininga ko dahil hinihintay ko lang naman 'yong isasagot niya pero... the fudge! Binalik lang niya 'yong tingin niya sa librong binabasa niya. Bakit siya gano'n?!

Nagmartsa ako papasok dahil sa inis. Sayang effort ko, hindi lang pala ako papansinin. Ang hiraaaaaap!

"Himala atang hindi ka kinausap ni sir? Napapansin ko kasi ang kulit no'n pagdating sa 'yo," biglang sabi ni ate Kiva while washing the dishes. Tumulong lang ako dahil wala akong magawa. Ako 'yong taga punas.

"Close ba talaga kayo dati? 'Di mo pa sa 'kin na kukwento, ah," sabi niya pa.

Gusto ko nalang mapatulala.

Naiiyak ako kasi pakialamera talaga ako. Nagalit ko talaga si plastik. Nagi-guilty ako.

"Woy, Mel, ano ba talagang nangyari? Bakit parang ang cold ni sir sa 'yo? 'Di niyo lang pansin kanina pero panay ang tingin sa inyo ni sir Demryl at ma'am Clara."

"Ate," halos paiyak kong sabi. "Nasira ko kasi 'yong gitara niya." Tapos napasinghot-singhot pa ako ng sipon kahit wala pa naman.

Napaawang naman 'yong bibig ni ate Kiva.

"Hala," nasabi lang niya. Sabi ko na, e. Sobrang importante talaga kay Erel 'yong gitara niyang 'yon kaya gano'n nalang 'yong impact sa kanya.

"Hindi ko naman kasi sinasadya. Nag-panic lang ako that time kaya hindi ko talaga napansin na 'yong gitara niya pala 'yong hawak ko."

"'Yaan mo, Mel, super mabait naman 'yong si sir kaya hintay ka lang."

"Pero, ate, sobrang galit talaga 'yong mukha niya kahapon, na para bang gusto na niya akong ipapatay."

Napabuntong-hininga naman siya. "Alam mo kasi," umpisa niya tapos biglang humina 'yong boses niya na parang bulong nalang. "Secret lang natin 'yong sasabihin ko, ha? Promise?"

Siyempre dahil curious ako, "Promise, ate!"

"Sobrang tagal na kasing inaalagaan ni sir 'yong gitara niyang 'yon."

"Alam ko naman 'yon, ate, e. Naalala ko dati no'ng first year college kami, lagi niyang dala 'yon. At saka ang sabi niya pa, buhay niya raw 'yon."

"So sinabi niya ba sa 'yo kong kanino galing 'yong gitarang 'yon?"

Napatingin naman ako sa kanya. "Hindi," sagot ko.

Biglang bumaling siya sa 'kin. "Ikaw ba si Ellaine?"

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now