24

27 3 0
                                    

Lalabas na sana ako sa room dahil dismissal time kaso hinarangan ako ni Klinton, the weird guy.

"Ah, Kaye Dreamellaine, heto nga pala 'yong notes mo. Thank you."

Parang gusto ko nalang mapairap dahil sa tawag niya sa 'kin. Nanginginig pa siya habang hawak ang notebook ko.

Kinuha ko naman 'yon sa kanya sabay sabing: "Mel nalang."

"Ah, haha, thanks, Mel," sagot niya sabay alis.

Ang weird talaga no'n. Nagkapalitan tuloy kami ng mga tingin nina Koomie at Frejie.

"We told, yah!" natatawang sabi ni Frejie.

"Ang galing talaga ni Ladylyn. Manghuhula ata 'yon, e."

"And speaking of Ladylyn, bakit kaya absent siya?"

Naalala ko nanaman 'yong picture na nahulog niya.

"Baka may emergency lang. Nagmamadali kasi siya kahapon at sabi niya dahil sa Mama niya raw, e. Sobrang worried nga 'yong mukha niya, e," sabi ko.

"I hope she's okay."

Sabay sabay kaming lumabas ng room.

"Koomie, Frej," tawag ko sa kanila kaya napatingin sila sa 'kin. "Magkakilala pala sina Ladylyn at Erel?"

Napatigil naman sila sa paglalakad kaya napatigil din ako.

"Bakit?" tanong ko.

Sandali silang nagkatinginan.

"E-Ellaine ano kasi—"

"Ex ni Ladylyn si Erel," pagpapatuloy ni Koomie sa sinabi ni Frejie.

Ex.

Ex-Girlfriend.

Tapos biglang nag-flash sa isip ko 'yong sinabi ni Cailyn sa notebook ni Dreami. 'Natrauma raw sa past relationship niya.'

Teka kay Ladylyn ba si Erel na heart broken?

"Last week lang namin nalalaman. Hindi kasi talaga palakuwento si Ladylyn."

"Pero don't worry. Moved on naman na raw si Ladylyn, e, kaya wala na 'yon sa kanya kung dini-date mo si Erel."

Parang gusto ko nalang matawa sa mga sinasabi nila pero napaisip ako, kung moved on na si Ladylyn, bakit tinatago parin niya 'yong picture nila ni Erel?

"Ano ba kayo, e, ano naman kung ex niya si Erel? At saka excuse me, we're not dating, ha. 'Di ko nga friend 'yong plastik na 'yon, e, duh," sabi ko nalang.

"Mel."

Pare-pareho naman kaming napatingin kay Waden na nasa may pinto.

"Ah, Ellaine una na kami, ha?" sabi ni Koomie saka tinap 'yong shoulder ko at ayon, nagsialis na sila.

"Wala kayong practice?" tanong ko, inayos ko na 'yong bag ko at lumapit sa kanya.

"Meron pero sinabi ko sa kanilang may lakad tayo."

Napangiwi ako.

"Pasaway ka, Guadencio, bumalik ka na nga ro'n." Tapos tinulak-tulak ko siya hanggang sa nakalabas kami sa room at nagulat nalang ako nang makita si Erel sa labas, nakasandal sa pader.

Heto nanaman 'tong puso ko. Parang lalabas nanaman sa katawan ko dahil sa lakas ng tibok.

Wala na.

Gusto ko na talaga siya. Nakakainis! Ang hirap pigilan.

"Uy, anong ginagawa mo rito, Erel?" tanong ni Waden sa kanya. Mukhang nagulat sila pareho nang makita ang isa't isa.

"Ah... " nasabi nalang ni Erel saka nagpalipat-lipat ng tingin sa 'min ni Waden.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now