Sadyang ganito lang talaga ang buhay, no? May gusto ka pero hindi ka naman gusto, may nagkakagusto sa 'yo pero hindi mo naman gusto. Fair parin naman.
Akala ko bigay na siya sa 'kin ni Lord... pero hindi. Hindi ko alam kung anong purpose ng tadhana kung bakit niya kami pinagtagpo dahil sa alaala ni Dreami.
Unang-una, hindi ako ang gusto niya kung 'di ang pinsan ko, si Dreami. Gusto nila ang isa't isa pero kalaban nila ang oras. Nagkasakit si Dreami at bigla nalang nawala kaya hindi nagkaroon ng chance na malaman niyang gusto rin siya ng taong pinakagusto niya.
Siguro nga kung buhay pa siya, masaya sila ngayon. Siguro nga kung buhay pa siya, sila na ngayon.
Paano ako?
Kung nabuhay si Dreami... hindi ko makikilala si Erel. Sumisikip 'yong dibdib ko habang iniisip 'yon.
Kung bibigyan ako ng chance, siguro mas pipiliin kong ako nalang 'yong mawala. Sana nabuhay nalang si Dreami para pareho silang masaya ni Erel ngayon.
Minsan gusto ko nalang mag-rant sa harap ng puntod ng pinsan ko. Kung bakit ba naman siya nawala at kung bakit ba naman niya hinayaang magkrus ang mga landas namin ng taong pinakagusto niya. E, hindi rin naman kami ang para sa isa't isa.
Tinawanan ko pa si Dreami dahil sa kabaliwan niya kay Erel, e, mahuhulog din pala ako. May pagkatanga talaga, Kaye Dreamellaine.
"Ellaine!"
"Ano ba, Erel! Umalis ka na! Kasalanan mo kung bakit siya nagkaganito! Hindi ka niya kailangan dito! At puwede ba, hindi siya ang Ellaine na sinasabi mo!"
"Wadie, please! Gusto ko siyang makita, parang awa mo na!"
"Hanggang dito ba naman, Erel? 'Di mo ba nakita ang kalagayan ni Mel? Presence mo palang nasasaktan mo na siya ng sobra kaya umalis ka na!"
"Ellaine!"
"Pucha naman, hindi siya 'yong Ellaine mo!"
Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Wala akong maramdaman sa buong katawan ko, manhid na ata ako.
Gusto kong sabihin sa kanyang hindi ako si Ellaine. Hindi ako si Dreami. Hindi ako 'yong mahal niya. Pero wala akong magawa.
Nakarinig ako ng mga kalabog at sa isang iglap lang ay naging tahimik na ang paligid. Napaalis na siguro ni Waden si Erel.
***
Nagkakilala kami dahil sa notebook ni Dreami. Nagkalapit kami dahil kay Dreami. Lahat nalang dahil sa kanya kaya hindi ko mapigilang hindi mainis. Hindi ko mapigilang hindi mainggit.
Pero kahit anong pang sabihin ko, walang kasalanan ang pinsan ko. She's in peace now. Buti pa siya.
Gusto kong ipagyabang sa kanya ngayon na kahit papa'no, kahit sa kaunting panahon ay nakausap ko 'yong taong pinakagusto niya. Nakasama. 'Yong mga pangyayaring pinapangarap niyang maranasan.
Pero kahit nakasama ko si Erel, still, hindi parin ako ang gusto niya.
Sa kuwentong ito ay tinalo parin ako ng isang taong wala na.
Kung magkapareho man kami ng kapalaran ng pinsan kong si Dreami, at kung ito man ay ang kapalarang bigay sa 'kin ni Lord, ngayon palang... tinatanggap ko na.
Kapag nabuhay ako at magtagpo ulit ang mga landas namin ni Erel, iiwasan ko na siya.
Lalayo na ako.
Para kay Dreami.
Para kay Erel. Para hindi niya na rin lokohin ang sarili niya.
At para sa ikatatahimik ng puso ko.
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Novela JuvenilKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...