Nakatitig siya sa mga mata ko. Natawa ako ng pilit at mahinang hinampas ko 'yong braso niya sabay sabing, "Isayaw mo nga mamaya si Riley, baka magselos nanaman 'yon, e," pag-i-iba ko ng topic.
Hindi na siya nagsalita pa.
Humiwalay na ako sa kanya at bumalik na sa upuan ko. Bumalik din siya sa pag-upo pero hindi na sa harap ko. Tumabi na siya kay Riley.
Naiiyak ako.
Seryoso ba talaga siya? Bakit niya ako gusto? Bakit niya ako nagustuhan?
Bumalik na rin si Heila sa pag-upo. Sumakit daw 'yong lalamunan niya.
Nag-inuman sila at pansin kong walang tigil 'yong paglagok ni Waden ng alak habang nakaakbay kay Riley. Tama, Guadencio. Kay Riley ka dapat, 'di ba?
"Hoy, bakla, 'wag mong sabihing until now hindi ka parin umiinom?" hindi makapaniwalang sabi ni Koomie sa 'kin.
"Hoy, Ellaine, twenty-two ka na," paalala ni Ladylyn.
"Oo nga," pagsang-ayon ni Frej.
"Iinom na 'yan si Mel," nakangising hamon ni Cailyn.
Ewan ko ba pero iba parin talaga sa 'kin 'yong pagngisi niya. Parang nananadya talaga, e.
"Yeah, right, Mel, do you want me to teach you?" natatawang tanong ni Abby.
"Matanda ka na, Mel, kaya kailangan mo nang uminom," singit naman ni Jerome na ikinagulat ko, feeling close.
"Iinom na yan!" cheer ni Frej.
"Hoy, grabe umiinom na kaya ako," pagsisinungaling ko.
"Sige nga," panghahamon ni Koomie saka in-offer-an ako ng isang basong alak. Yuck, amoy palang! Mukhang maduduwal na ako. Napalunok tuloy ako. Ayan kasi, pasabi-sabi pa nang 'umiinom na kaya ako', ano ka ngayon, Mel?
"Hindi nga siya umiinom," biglang sabi ng taong nasa harap ko kaya napatingin ako sa kanya.
Naiinis ako. Kanina pa siya kalmado. Tinaasan ko siya ng kilay. "At sinong nagsabi sa 'yo?"
"Papa mo," sagot niya saka kinuha niya at agad na nilagok 'yong isang basong alak para sa 'kin.
"Plastik naman, e!" saway ko sa kanya.
May narinig pa akong nagsabing, "Panira ka naman, Erel, e. Si Mel 'yong pinapainom namin!"
Mas naasar pa ako no'ng ilang beses na binigyan ako nina Koomie tapos ilang beses din niya akong inuunahang inumin 'yon. At nakatingin lang naman siya sa 'kin habang iniinom 'yon. Nang-aasar talaga. Papansin! Inirapan ko nalang siya sabay iwas ng tingin.
Nagtawanan naman 'yong mga kasama namin saka tinukso-tukso kami. Tss, makakain na nga lang ng cake.
"Hoy, Erel! 'Di ka pa lasing, 'di ba?" tanong ni Abby, napatango naman si Erel. "Kanta ka ro'n!" Tapos tinuro niya pa 'yong mini stage.
Napairap ako. Mukhang maririnig ko nanaman ata 'yong napakapangit niyang boses.
Akala ko tatanggi siya pero tumayo ba naman tapos uminom muna bago umalis papuntang stage. Namumula na nga siya, e.
Nagsigawan naman 'yong mga girls na barkada niya. Tapos narinig ko pa si Ladylyn na nag-cheer sa kanya. "Galingan mo, Erel!"
Tapos tinukso nila si Ladylyn. Parang bigla akong na—wait lang, Mel, ha. Tumahimik ka na nga lang dyan!
Nagsimula na 'yong tugtog.
"Na na na na na... "
Peste intro pa lang pamatay na 'yong boses niya. Kainis!
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Novela JuvenilKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...
