Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko si Mama na nagpi-paint. 'Yon talaga 'yong passion niya na sana nabahagian manlang ako kahit kaunti.
"Ay, Mel, nandito ka na pala," sabi niya pero naka-focus parin siya sa pini-paint niya. "Busog pa ako kasi pumunta 'yong Mama ni Waden na may dalang foods. Nag-bonding kami. Kumain ka nalang, Mel."
"Hindi po ako gutom, Ma, pasok nalang po ako sa kuwarto ko," matamlay kong sagot. Di-diretso na sana ako sa kuwarto ko nang mapatigil ako, nagsalita pa si Mama.
"Mag-paint tayo, Mel!"
"Alam niyo naman, Ma, na hindi ako marunong, 'di ba? At saka pagod po ako."
Pero mas napatigil ako sa sunod niya sinabi.
"Ay, sayang naman. Kung nandito pa sana si Dreamaica—" hindi ko na siya pinatapos at pumasok nalang ako sa kuwarto ko.
Gusto ko nalang mapairap.
Never pa akong nagselos kay Dreami dati, ngayon lang. Ewan ko ba pero no'ng pinamukha sa 'kin no'ng Cailyn na 'yon kung ga'no ka-talented si Dreami, parang gusto ko nalang din magkaroon ng mga 'yon. In short, inggit ako.
Kinuha ko sa bag ko 'yong notebook ni Dreami. Binuklat ko 'yon.
Kung may nagkakagusto man ngayon sa prinsipe Erel ko, sana hindi kasing duwag ko. Sana maamin niya agad na may gusto siya sa prinsipe ko bago mahuli ang lahat.
Teka, bakit hindi ko 'to napansin dati? Ngayon ko palang 'to nababasa. May nakasulat pa pala sa likod ng first page kung saan nakasulat ang full name ni Dreami. Mukhang pinatatamaan talaga ako ng babaitang 'yon.
Ang lakas ng loob no'ng Erel the plastik na 'yon para itapon lang sa basurahan 'tong notebook ni Dreami! Walang hiya siya! Ipinagkatiwala ko 'to sa kanya tapos tinapon lang niya!
Napatulala nalang ako sa kawalan. Hindi ko parin makalimutan 'yong mga sinabi niya kanina. Iiwasan na niya ako? Sino ba kasing nagsabi sa kanyang lumapit-lapit sa 'kin?
Alam ko namang nakikita niya sa 'kin si Dreami kaya iba ang trato niya sa 'kin pero ang unfair niya naman!
Kinuha ko sa drawer ko 'yong photo album na tinago ko. Puro pictures kong kasama si Dreami ang mga nakalagay.
Napatigil ako sa pag-flip do'n sa picture kung saan magkaakbay kami ni Dreami habang nakangiti ng wagas. 16 years old palang ata kami rito.
Fine, medyo magkamukha nga kami. Mukha kaming twins.
Hinaplos ko 'yong image niya.
"Never tayong nag-away Dreami. Never din akong nainis o nagalit sa 'yo no'ng buhay ka pa," sabi ko habang pilit na pinipigilan ang mga nagbabadyang luha ko.
"Pero hindi ko mapigilang hindi mainggit sa 'yo. Hindi ko mapigilang hindi magalit sa 'yo kasi kahit wala ka na, ikaw parin ang gusto nila. Ang daming nagmamahal sa 'yo, tipong halos wala nang matira sa 'kin." Napangiti ako nang pilit—very wrong. Kasabay nang pagngiti ang patulo ng mga luha ko.
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Fiksi RemajaKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...
