"Okay ka na ba, Mel?" nag-aalalang tanong ni tita Clara. "Kaya pala hindi kita nakita kanina."
Kakainom ko lang ng isang basong tubig dahil pinilit nila ako.
Buti nalang at nagkaroon ako ng excuse para sa absence ko kanina no'ng unang sayaw.
Tumango naman ako kay tita at saka napangiti. "No probs na po, tita. Siguro kasi hindi talaga ako sanay sa crowded places kaya gano'n. Balik na po kayo ro'n baka hanapin kayo ng mga kamag-anak niyo."
Tumikhim naman si Papa. Ang seryoso parin ng mukha niya habang nakatingin sa 'kin. Halatang galit.
"Mag-uusap tayo bukas, Mel," sabi ni Papa saka hinila si tita pabalik sa garden.
"Ano ba talagang nangyayari sa 'yo, Mel? Nag-aalala na ako sa 'yo, ha. Hindi na ako natutuwa," seryosong sabi ni Waden.
Tumawa lang ako. Natawa ako sa kaseryosohan niya, e. Naka-cross arms pa siya. At saka iwan daw ba si Riley para sa 'kin?
"Hindi ka nakakatuwa, Mel."
"'To naman parang tanga. Okay nga lang ako. Puyat lang 'to."
"May hindi ka ba sinasabi sa 'kin?"
"Ha? Natural. Alangan naming sabihin ko lahat ng secret ko. Secret nga, 'di ba?" pabiro ko pang sabi.
Napabuntong-hininga naman siya. "This is not the right time para makipagbiruan, Mel."
"Hindi kaya ako nagbibiro, Waden," pabulong ko pang hirit kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Puntahan mo na kaya si Riley do'n."
Napabuntong-hininga lang siya.
"Alright. May tiwala ako sa 'yo pero mag-promise ka parin na iinumin mo na 'yong gamot mo at magpapahinga ka na. At saka anong oras na kaya matulog ka na."
"Oo na po, Guadencio."
Sandali siyang tumitig sa 'kin kaya napakunot 'yong noo ko. "Kapag bored ka at wala kang kausap, tawagan mo lang ako. Kapag hindi ko sinagot, kulitin mo pa ako."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Napatango nalang ako at niyakap siya.
"Ingat kayo ni Riley pauwi. Alagaan mo siya at 'wag mo nang pagselosin. Baka mamaya kung saan saan na magpunta," sabi ko.
"Oo na. Oo na," sagot nalang niya saka humiwalay sa 'kin tapos biglang hinalikan 'yong noo ko then ginulo 'yong buhok ko.
"Bye na, maylabs. Ingat ka rito."
"Ba-bye! Ingaaat!"
Hihiga na sana ako nang may pumasok ulit.
"Ellaineee!" nag-aalalang tawag niya. Saka umupo sa gilid ng kama ko. "I'm so worried, grabe. What happened to you?"
"Okay naman na ako, Ladylyn, so kalma, girl." Tapos nagtawanan kami. Medyo na-miss ko rin naman siya pero mas nakaka-miss sina Kooms at Frej, ang kukulit kasi no'n.
"Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo. Kakakita na nga lang natin, e."
"Nga pala, sina Koomie?"
Napasimangot siya. "I've never heard about them since lumipat ako ng school. At saka sinadya ko talagang hindi magparamdam. Kahit na nag-aalala ako sa 'yo no'ng mabalitaan kong naaksidente ka dati."
"Ikaw nga bigla ka ring nawala."
Naabuntong-hininga siya.
"Na-depress ako. Simula no'ng mawala si Mama, hindi ko na alam kung paano makabangon."
"T-Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. "I'm sorry to hear that." Nakakalungkot lang na sa mga panahong 'yon wala akong alam at wala ako sa tabi niya.
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Teen FictionKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...
