"Hoy, guys, next week na gaganapin ang Senior's Night, what's your plan? Wala pa akong susuotin and I'm so worried about it," nag-iinarteng sabi Erahnnel.
"Ay, ako, guys, meron na! I'm so glad na tita ko 'yong nag-sponsor. Super pretty nga 'yong gown, e. Wait, tingnan niyo 'to." Excited namang lumapit si Erahnnel kay Cailyn para tingnan 'yong picture ng gown na sinasabi ni Cailyn.
Ako? Heto lang sa tabi, tahimik. Ayokong um-attend. Hindi ako mahilig sa gano'n at nahihiya ako. Ayaw din naman ni Mama kasi masyadong crowded daw 'yon. Makakasama sa kalusugan ko, gano'n siya ka-oa. Buti nga para walang gastusin. Masyadong nag-aalala si Mama sa 'kin.
Ayoko namang sabihin sa kanila na hindi ako a-attend dahil siguradong magwawala 'tong dalawang 'to at gagawin nila ang lahat para mapilit ako. Ayokong pilitin nila ako kasi baka hindi ako makatanggi. Ayoko namang idahilan 'yong sakit ko kasi hindi ko kayang sabihin. Nakakahiya. Ayokong mag-alala sila sa 'kin at ayokong kaawaan nila ako.
Sa darating nalang naming recollection day nalang ako sasama. Kahit alam kong hindi ako papayagan ni Mama, pipilitin ko siya. Last activity na nga lang at magga-graduation na, papalagpasin ko pa ba?
"Hoy, Dreamaica Ellaine! Anong nanamang kadramahan 'yan? Ba't parang ang lalim naman ng iniisip mo? 'Wag mong sabihing hindi ka a-attend dahil kakaladkarin kita mula sa bahay niyo hanggang—" sabi ko na nga ba, e.
"Relax, Cailyn, okay? A-attend ako. Iniisip ko na nga kung ano 'yong susuotin ko, e."
Napakasinungaling ko na talaga.
"Buti naman, 'no. Kasi sure akong napakapogi ni Erel do'n." Tapos ngumiti si Erahnnel. Halatang nang-aasar.
"Napakapogi, lalo na sa mga mata mo," dugtong pa ni Cailyn.
"Sinasabi ko sa 'yo, Dreami, ayain mo na agad si Erel bilang partner mo kasi kung hindi... " tapos lumapit si Erahnnel sa may tenga ko at saka bumulong. "Si Abby ang magiging partner niya." At napairap nalang ako na ikinatawa nilang dalawa.
"Mga baliw! Ako pa talaga mag-aaya? Babae ako, hello!"
Napairap naman si Cailyn. "Zero percent 'yong chance na ayain ka ni Erel hellooo!"
Sige, ipagduldulan niyo pa sa 'kin!
At dahil hindi ako a-attend at final na talaga 'yon, tanggap ko nang hindi niya ako magiging partner. At tanggap ko nang si Abby 'yong magiging partner niya kasi nga, 'di ba, may something daw sa kanila? o kung hindi man, edi, kung sinong schoolmate namin.
Hays, kailangan ko na talagang mag-start na magmove-on. Hindi kami para sa isa't-isa. Kalaban ko ang feelings ni Erel, na ni katiting manlang alam kong walang naligaw para sa 'kin. Kalaban ko rin ang oras at tadhana.
At 'yon nga, dumaan ang ilang araw nang hindi ko namamalayan. Sa sobrang bilis, na-realize ko, ngayon na pala gaganapin 'yong event na 'yon. Ngayong gabi mismo. Minessage na ako ng mga bruha pero as usual, I lied. Sinabi kong pupunta ako para hindi na nila ako puntahan dito sa bahay ko.
Mag aalas diyes na na ng gabi. Nakahinga ako nang maluwag. Siguradong hindi na nila ako mapupuntahan kasi kaninang alas otso pa nag-start 'yong event at pag nag-start na ay bawal nang lumabas. Pinatay ko 'yong phone ko para hindi nila ako matawagan at para hindi ko rin mabasa 'yong mga chats and text messages nila.
Pagtingin ko sa orasan—Alas dose na. Tapos na ang Senior's Night—at heto ako, nakadungaw parin sa bintana ng kuwarto ko. Sayang at hindi ko manlang nakita ang napakapogi kong prinsipe.
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Teen FictionKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...