10

27 3 0
                                        

Haaaaay salamaaaaat at nakapagsulat din!

Naospital nanaman kasi ako no'ng mga nagdaang araw kaya hindi ako nakapagsulat. Tuloy parin naman ang buhay at ang pag-aaral ko kaya kahit papaano ay masaya parin ako. Makikita ko parin ang crush ko.

Mga two weeks din ako sa ospital kaya na-miss ko si Erel. Pero siyempre dahil sobrang boring sa ospital, nag-drawing ako. Drinawing ko siya. Bigla tuloy akong kinilig nang titigan ko 'yong ginawa kong portrait. Excited na tuloy akong pumasok sa school.

Kaasar nga, e, kasi natupi ko 'yong dinrawing ko at inipit ko pa rito sa notebook ko dahil biglang dumating si Mama. Shocks baka makita! Ayan tuloy parang may mga lines na. Pero okay lang kinikilig parin ako.

Napangiti naman ako no'ng pagpasok ko sa room namin ay nando'n siya habang busy sa phone niya tulad ng mga kalaro niya na sina Kriston, Jerome, Lawrence at Alwin. Ml nanaman mga bes. At as usual kasali nanaman nila si Jeanna. Nagseselos ako. Hindi ko talaga papansinin si Erel dahil sa ginagawa niya ngayon—charooot! Hehe ako nga ang 'di niya pinapansin, e.

"Maygad, Dreamaica Ellaine Tierra! Buti at naisipan mo pang pumasok? Kala namin nag-asawa ka na." Bungad sa 'kin ni Cailyn saka napairap. Umupo naman ako sa vacant seat na nasa gitna nila. Absent nanaman ata 'yong teacher namin at teacher nina Erel.

"Oo nga. Sa'n ka ba nagpupupunta? 'Wag mong sabihing birthday nanaman ng lolo mo, ha, babatukan na talaga kita," asar naman na sabi ni Erahnnel.

Hindi ko sila pinansin at tiningnan ko lang si Erel na tumatawa habang sinasabing, "Hoy, Kriston, ba't andyan ka? Top ka hoy, kung ayaw mong sunugin kita ng buhay!"

"Kapag talaga bumagsak ka hindi na namin 'yon kasalanan. Remember, graduating students tayo, bruha ka!"

"Hoy, nakikinig ka ba, Dreami?"

"Hoy, Erel, Lawrence, Alwin! Ando'n na si Ma'am!" sigaw ni Yulo na nasa may pintuan ng room namin.

Nagsitayuan naman 'yong mga tinawag saka lumabas. Narinig ko pa si Erel na sinabing, "tss, last turret na, e." Hehe, ang kyuuuut niya talaga.

"Psh! Kaya naman pala 'di nakikinig nakay Erel nanaman pala 'yong atensyon," rinig kong reklamo ni Cailyn.

"Ang ingay niyo." 'Yon nalang ang nasabi ko. Inirapan lang nila akong dalawa. Wow. Ang lakas ng loob nitong mga bruha.

'Di rin nagtagal at dumating na 'yong last subject teacher namin kaya nagsiayusan na kami ng upo at nagsitahimik.

***

Mga six fifteen na kami dinismiss ni Ma'am Vera at rinig ko 'yong malalalim na buntong-hininga ng mga kaklase ko. E, five thirty dapat labasan namin, e. Ito naman si ma'am parang wala lang sa kanyang in-extend niya ng one year 'yong time namin sa kanya.

"'Di manlang ba tayo maglalakuwatsa? Ang tagal tagal kayang nawala ni Dreami, " sabi ni Erahnnel habang inaayos 'yong bag niya. Napangiwi nalang ako sa idea niya. Gusto ko pa namang umuwi na dahil kabilin bilinan sa 'kin ni Mama na umuwi agad para hindi mapagod nang sobra. Buti sana kung si Erel mag-aaya, gora agad hindi ko na pag-iisipan. Landi mo, girl.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now