Una sa lahat, gustong-gusto kong itanong kay Waden kung totoo ba 'yong sinabi niya kanina, o pinagti-trip-an niya lang ako, pero heto at hindi ako makahanap ng tiempo. Halatang iniiwasan niya ako. Pangalawa, hindi ko alam kung bakit nandito 'yong barkada dati ni Erel. 'Yong mga kasing plastik niya, lalong-lalo na 'tong sungay girl na si Cailyn.
Bigla ko tuloy naalala 'yong mga pinagsasasabi nila dati sa 'kin.
Hindi ako makapaniwalang nandito sila ngayon. Natahimik lang ako habang nakaupo at kumakain. Nasa pinakagilid ako ng table kaya wala akong katabi sa right side. Nasa left ko si Koomie, Frejie, Ladylyn, Erahnnel, Cailyn, Heila, Riley. Katapat naman namin sa table sina Yulo, Kriston, Jerome, Abby, Hazzy, Drej, Erel and last ay si Guadencio na hindi makatingin sa 'kin.
Kaharap ko si Waden at nakatingin lang ako sa kanya. Hinihintay na tumingin din siya sa 'kin kasi gusto kong itanong sa kanya 'yong tungkol sa sinabi niya kanina. Pero mukhang ayaw niya talaga akong tingnan. Nakikipagkuwentuhan lang siya kayna Hazzy at kay Drej.
Napansin ko rin na hindi tumabi si Riley kay Waden. What's wrong? Sana naman hindi tama 'yong iniisip ko.
Feeling ko mauubusan na ako ng hininga dahil sa mga nangyayari. Hindi rin maalis sa isip ko 'yong mga boses ng mga barkada ni Erel habang nagso-sorry sa 'kin. Lalong-lalo na si Cailyn na sa una palang ay parang may hinanakit na sa 'kin.
Gusto ko silang sigawan dahil sa mga sinabi nila sa 'kin dati. Gusto kong magalit. Gusto kong iparamdam sa kanila na wala silang karapatang pumunta rito pero... hanggang ngayon, hindi parin ako nagbabago. Duwag parin ako.
"I'm sorry talaga, Mel for being so mean to you dati," paulit-ulit na sabi ni Cailyn na para sa 'kin ay halatang kaplastikan lang.
Pero kahit papaano ay maluwag din pala sa loob marinig 'yong apology niya.
"Alam mo, Cailyn friend, siguro since kanina pang ten mo na 'yang sorry na 'yan," komento ni Erahnnel kaya nagtawanan sila.
Napangiti nalang ako ng bahagya.
Hindi naman ako katulad ng iba na magtatanim talaga ng galit para lang do'n. Naiintindihan ko naman sila, ayaw lang naman nilang masaktan 'yong dalawang barkada nila na si Erel at Jerome. 'Yong dalawa kasing 'yon 'yong 'di makaget-over kay Dreami na may hawig daw sa 'kin kaya gano'n. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit pati 'yon ay kasalanan ko pa.
Umingay 'yong paligid no'ng pumunta sa mini stage si Heila at kumanta ng Love Story ni Taylor Swift.
"We were both young when I first saw you
I close my eyes and the flashback starts,
I'm standing there on the balcony in summer air... "
Bigla akong napangiti. 'Yong kantang 'yon pa naman 'yong pinakapaborito kong kanta ni Taylor.
Naglapag ng mga beer sa table namin sina Papa at tita Clara. Kanina ko lang nalalaman na ito pala 'yong restobar nila na mina-manage ni tita Clara. Kaya pala walang customer kasi pinaghandaan nila para sa birthday ko.
"Enjoy lang kayo mga hijo, mga hija," masayang sabi ni Papa.
Tapos pagkaalis nina Papa ay biglang sabay na napasigaw sina Frejie at Koomie ng, "Waden, isayaw mo si Ellaine!" At "Erel, isayaw mo si Ellaine!"
Nagsitahimik sila. Bigla akong napatingin kay Erel na nakatingin din pala sa 'kin pero bigla niyang iniwas. Hindi ko alam kung bakit iba 'yong awra niya ngayon. Parang katulad no'ng kaninang sinayawan ako ni Waden. Baka naman nagtatampo 'yon kasi sinungitan ko kanina?
Napatingin naman ako kay Waden. Napatingin din siya sa 'kin saka ngumiti. Gosh! Ano bang tumatakbo sa isipan mo, Guadencio?
"Si Wadie nalang, meow, since siya naman 'yong dancer," sabi ni Erel saka ngumiti. Ewan ko ba pero feeling ko pilit lang 'yong ngiti niya.
"Hindi na naman kailangan. Nanti-trip lang 'tong dalawang 'to," sagot ko saka tinuro-turo sina Kooms.
"Ikaw nalang, Hazzy!" suggest ni Drej. "Isayaw mo naman 'yang love of your life na si Abby."
Tapos nagkantyawan sila. Nakikitawa nalang ako.
"Hoy, Drej, baka naman gusto mong isayaw si Erahnnel, ayiee... " singit ni Jerome tapos nag-asaran sila. Nakita ko pang sinundot-sundot ni Cailyn 'yong tagiliran ni Erahnnel. Bigla ko tuloy naalala 'yong mga sinabi ni Erahnnel dati na inaagaw ko raw sa kanya si Drej.
Nagtawanan sila kaya hindi ko na napigilang hindi matawa kasi halatang nagpipigil ng kilig si Erahnnel. Hanggang ngayon daw kasi ay may gusto parin siya kay Drej.
Nagulat ako nang biglang kinalabit ako ng taong nasa harap ko at inilahad 'yong kamay niya.
Napataas lang 'yong isang kilay ko kaya natawa siya at biglang tumayo, hinawakan ang kamay ko at hinila ako papuntang gitna. Napansin kong napasulyap si Erel. Medyo in-expect kong siya ang gagawa nito pero bakit naman niya gagawin 'to, 'di ba?
"Romeo take me somewhere we can be alone. I'll be waiting, all that's left to do is run. You'll be the prince and I'll be the princess, It's a love story baby, just say yes... "
Pinabagal ni Heila 'yong kanta niya para sakto sa pagsayaw namin ni Waden.
"Heto nanaman tayo, maylabs. Hawak ka sa may batok ko," sabi niya. Ginawa ko naman. "Hawak naman ako sa bewang mo." Tapos nagsitilian naman sina Koomie.
"'Di ba, ito 'yong favorite mong kanta?" Napatingin ako sa kanya.
"Taray alam mo talaga 'yon?"
Grabe, ba't nanginginig mga kamay ko? Hindi ko alam kung bakit pero sa sinabi niya kanina, naiilang na ako sa kanya.
"Oo naman."
Pero kahit naiilang ako, I act normal para hindi niya halata.
"A-Alam mo ba kung bakit favorite ko 'yon?" tanong ko.
"But you were everything to me I was begging you please don't go... "
Napangiti siya. "Siyempre naman," sagot niya. "Kasi sabi mo, ginawang happy ending ni Taylor Swift 'yong story nina Romeo at Juliet."
Napangiti ako at napatango-tango. Best friend ko na talaga siya.
Halos matawa ako sa mga pinaggagagawa nina Koomie.
Bale nakatalikod si Waden sa table namin kaya ako lang ang nakakakita sa mga kalokohan nina Koomie at Frejie. Si Ladylyn naman ay parang niri-reach si Waden sa likod. Parang tanga.
'Yong ibang barkada ni Erel ay tahimik lang kasi barkada rin naman nila si Riley. At do'n ko lang napansin na tahimik lang din si Riley.
"Woy, Riley!" tawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa 'kin. "As friends lang 'to, ha?" natatawa kong paalam.
Nag-thumbs up lang siya saka natawa.
Napatingin naman ako kay Erel. Bakit ba ang kalmado niya lang? Nasasaktan ako kasi hindi siya nasasaktan—hays, ang gulo ko na.
"Dreamellaine," bigla niyang tawag sa atensyon ko. At dahil sa naging tawag niya sa 'kin ay agad akong napatingin sa kanya.
"I got tired of waiting... "
"Hmm?"
"Wondering if you were ever coming around... "
"Gusto kita."
"My faith in you was fading... "
Napatigil ako.
Sa tagal naming magkaibigan, never kong naisip na magkakagusto siya sa 'kin.
Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Seryoso talaga 'yong mukha niya habang sinasabi 'yon.
"When I meet you on the outskirts of town and I said... "
"Gusto kita, Dreamellaine."
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Novela JuvenilKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...
