"Kaye Dreamellaine!"
Napalingon naman agad ako sa tumawag sa 'kin. Parang gusto ko tuloy sabihin sa kanyang, "kuya, baka gusto mong idagdag pa 'yong apelyido ko?", kung makatawag wagas.
"O, Federico Klinton?" ganti ko sa kanya. Natawa naman siya. 'Yong tawang parang nag-aalangan.
Napakamot siya sa batok niya at inayos niya 'yong salamin niya bago magsalita.
"P-Puwedeng humiram ng notes mo? 'Yong kay Prof Joe."
Napakunot naman 'yong noo ko at napatingin kayna Koomie. Nakakunot din 'yong noo nila.
Napatango nalang ako kay Klinton saka kinuha ko 'yong dark blue na notebook ko sa bag ko at binigay sa kanya.
"Thanks!" nakangiting sabi niya saka umalis.
"I wonder why he borrowed your notes," takang sabi ni Frejie.
"Me, too. Knowing that nerd, kompleto siya sa lahat dahil wala 'yong ginawa kung 'di ang mag-aral," komento naman ni Koomie.
"Oo nga, e. Shock ako."
"You guys don't get it," rinig kong sabi ni Ladylyn saka ibinaba 'yong librong binabasa niya. "Isn't it obvious? Federico likes Ellaine. Gosh!" sabay roll eyes.
Nagkatinginan naman kami nina Frejie saka nagtawanan.
"Kaya pala Kaye Dreamellaine 'yong tawag niya kay Ellaine. First time ko atang marinig 'yon."
"That's absurd. Maniniwala sana ako kung related 'yon sa pag-aaral," kontra ko.
Natawa rin si Koomie. "Puputulin ko na talaga 'yang mahabang buhok ni Ellaine. Pati 'yong cute na nerd may gusto sa kanya."
"Woy, grabe. Malay niyo hindi lang talaga siya nakapagcopy." Tinawanan lang nila 'yong sinabi ko.
"Whatever." Inayos naman ni Koomie 'yong mga gamit niya saka tumayo. "Girls, I have to go na. Hindi pa ba kayo uuwi?"
"Sabay na ako, Kooms," sabi ni Frejie.
"I'm okay here," sabi naman ni Ladylyn na halatang ayaw pang umuwi at ipagpapatuloy lang 'yong pagbabasa niya.
"Ikaw, Ellaine?"
"May pupuntahan pa ako."
"We knew it. Tara na, Frej." Ngumiti sila nang nakakaloko tapos nag-wave silang dalawa sa 'min. Napangiwi nalang ako.
Inayos ko na rin 'yong bag ko.
Bigla namang nag-ring 'yong phone ni Ladylyn. Sandali niyang sinagot 'yon pagkatapos ay nagmamadali niyang inayos 'yong mga gamit niya.
"Una na pala ako sa 'yo, Ellaine. Si Mama kasi, e." She look so worried.
"Okay," sagot ko nalang.
Lalabas na sana siya nang mapansin ko 'yong librong binabasa niya kanina.
"Ladylyn! 'Yong libro mo."
"Ay, hala." Bumalik naman siya at kinuha 'yon. "Una na ako, Ellaine, ha? Ba-bye!" Halos patakbo na siya para makalabas kaya hindi niya napansing may nahulog na papel mula sa libro niya ata.
Nagsalubong 'yong mga kilay ko.
"Sana okay lang 'yong Mama niya," bulong ko sa sarili.
Kinuha ko naman 'yong bagay na 'yon. Picture lang pala. T-teka...
Bakit...
Bakit may picture sila ni Ladylyn?
***
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Teen FictionKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...