12

37 3 0
                                        

Erel Vien (rel)
Add friend     Message 

Grabe ang tagal kong plinanong i-stalk siya sa FB tapos ngayon ko lang naalala. Puro shared post lang naman 'yong nasa timeline niya kaya tinantanan ko na. Hindi naman pala siya mahilig mag-post ng pictures. 'Yong profile nga niya ay picture ng anime, e. Pero 'di ko makalimutan 'yong face niya mga bes. Guwapo talaga, promise! Ngayon lang ako nakakita ng gano'ng klaseng mukha—charot, ang oa naman.

Kaya lang tama nga si Dreami, mukhang suplado. Pero pinansin niya naman ako noon, 'di ba? No'ng sa pila. Nginitian pa nga ako, e. Basta, ewan!

Lunch time palang at kakatapos ko lang kumaing mag-isa. Super boring mag-isa, buti nalang at dala-dala ko lagi 'yong notebook ni Dreami. Babasahin ko na talaga.

***

Kasabay kong sumakay ng tricycle sina Erahnnel at Cailyn. Papunta na kami sa venue kung saan gaganapin ang last activity namin. Siyempre excited ang lahat at medyo nalulungkot din kasi nga last activity na kaya naman halos lahat ata ng mga kaklase ko nandito—at pinagtatagpo talaga kami ng tadhana ng prinsipe ko. Nandito rin 'yong section at adviser nila. Sabi ko na nga ba at kami talaga ang para sa isa't isa—in your dreams Dreamaica! First five letters palang ng name ko ay pinapamukha na sa 'king hanggang pangarap nalang talaga siya.

"Siguro alam mo na talagang kasabay nating mag recollection 'yong kabilang section kaya ka um-attend, 'no?" Tiningnan naman ako ni Cailyn ng mapanuring tingin.

"Believe me, wala talaga akong idea."

Wala naman talaga akong idea, e. 'Di ko nga ini-expect, e. Tiningnan lang nila ako nang nakataas 'yong kilay. Nagdududa pa ang mga bruha.

Sinamaan ako ng tingin ni Cailyn.

"Hay nako, Dreamaica Ellaine, buti naman naisipan mo pang mapakita rito. Magtatampo na talaga ako to the highest level kung hindi ka pa umattend today. At saka nagdududa na talaga ako sa mga pinaggagagawa mo."

Medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Alam kong napakawala kong kwentang kaibigan para itago 'tong sakit ko sa kanila pero hindi ko kayang sabihin. Ayokong mag-alala sila sa 'kin.

"Oo nga, Dreami, grabe ka na, ha! Ni hindi mo manlang kami sinasabihan kung bakit ka nagkakaganyan," pagsang-ayon naman ni Erahnnel.

Tumawa ako para hindi nila mahalatang kinakabahan ako. Biglang humangin kaya hinampas ko 'yong buhok ni Cailyn tapos tumawa ulit ako dahil 'yong mga mukha nila halatang naiinis na sa 'kin.

"Sorry na kasi, masyado lang talagang marami akong iniisip at saka, nafifeel ko na kasing mabo-broken hearted ako sa bebe Erel ko kaya damayan niyo nalang ako," pabiro kong sabi. Buti at natawa sila kung hindi ay lagot nanaman ako sa mga sermon ng dalawang 'to.

Nakita ko naman si ma'am Dally at ma'am Fren na nagtatawanan. At do'n ko lang na-realize na magbestfriend pala 'yong mga advisers namin. Kaasar! All this time ang akala ko destiny ang may gawa ng mga pagtatagpo namin ni Erel! Advisers pala namin!

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now