Pagpasok namin, ang dami na nila. Akala ko pilipino time nanaman pero sa ngayon mukhang excited talaga sila. Sa loob ng room, may limang mahahabang tables. At 'yong vacant nalang ay 'yong table sa left side malapit sa bintana. Which means makakatable ko ang crush ko. Omggggg, kinikilig ako mga beeees! Dream come true ni Dreamaica!
Dinala nanaman ni Jerome 'yong gitara niya at dahil wala pa 'yong dalawang adviser ng mga section na 'to kaya nagkantahan muna sila. Teka parang kanina lang papunta palang sa faculty si Jerome tapos ngayon nauna pa siya rito kaysa sa 'min? Ang bilis naman niya.
Pero 'yong atensyon ko talaga ay para lang sa crush ko. Naka-white long sleeves siya na may blue design na 'di ko ma-gets. Bagong gupit din siya na siyang napapogi pa ng husto sa kanya. Napakapogi niyang tingnan mga bes lalo na at naggigitara pa siya habang kumakanta! At opo. Yes po. Sobrang kinikilig ako ngayon at nagfe-feeling ako 'yong kinakantahan niya.
"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay... "
Tapos sila Jerome naman 'yong kumanta sa mga ibang lines.
Napaupo ako sa dulo ng mahabang mesa. Katabi ko si Heila, Dianna, Dandan, Kriston, Lawrence, at Jerome. Bali 'yong kaharap namin sa table na 'to ay sina Cailyn, Erahnnel, Kim, Jeanna, Kira, Emerson, at si Erel.
Napatigil naman sila sa pagkanta nang mapansing kumpleto na 'yong tao sa table na 'to. Buti nalang talaga saktong tatlo 'yong vacant dito. Ayoko pa namang mapalayo sa prinsipe ko. Medyo nagulat naman ako nang biglang pagkatingin ko sa tabi ko, may Mark na pala akong katabi. Napairap lang ako sa kanya. Ngayon nalang ata tumabi sa 'kin 'to, ah. Baka bigla siyang nahiya sa mga kalandiang pinakita niya sa 'kin tapos may jowa naman pala siya, like duuh! Napaka walang hiya niya.
Taga kabilang table pala siya at nilipat lang niya 'yong chair niya rito. Ano nanamang trip niya? Porket nasa ibang strand 'yong jowa niya, e.
Pero tahimik lang siya nakaupo sa tabi ko at hindi ako pinapansin. Baka sadyang tumabi lang, napaka assuming mo naman Dreami. Bahala nga siya.
Pagdating ng advisers, nagsimula na agad ang event na 'to at heto ako nakaupo lang at nagmamasid sa paligid—kay Erel to be exact. Halatang bored na siya kaya ata nagpakabusy siya sa phone niya.
May mga sing and dance number at ang last na nagperform ay 'yong katabi kong si Heila. Kinanta niya 'yong Statue, ewan ko kung sinong original na kumanta no'n. Ang ganda ng boses ni Heila kaya lahat talaga kami nakikinig sa pagkanta niya. Nakisabay sa pagkanta 'yong iba.
Napatingin naman ako kay Erel, at ayon, sumasabay din siya. Napangiti naman ako.
"I'm like a statue, stuck staring right at you,
Got me frozen in my tracks.
So amazed how you take me back,
Each and every time our love collapsed,"
Tapos tinutok naman ni Heila 'yong mic sa mga nasa harap niya. At sabay sabay nilang kinanta 'yong next lines.
"Statue, stuck staring right at you,
So when I'm lost for words
Every time I disappoint you,
It's just 'cause I can't believe,
That you're so beautiful. (Stuck like a statue)
Don't wanna lose you, no. (Stuck like a statue)."
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Teen FictionKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...
